Feb. 26, 2013.
Sunny afternoon.
Nasa stage ang tropa, masayang nagjajamming. May isa pa ngang tumawag sakin para sumama sa kanila.
Mga lower years na paikot ikot sa quad at namimitas ng santan.
Mga service na nagtatawag ng mga estudyante para makaiwas sa trafic.
Mga second year may dala-dalang pagkain na binili pa kina mang Arnel.
Mga teacher na kalalabas lang ng principal's office dahil sa meeting.
Si mang Fred na nainigarilyo.
Ganyan ang kadalasang nakikita ko pag uwian.
Pero sa hapong ito, may kakaiba akong nakita.
Isang nakaupo sa gitna ng quad at litong lito.
Litong lito sa kung anong pipiliin nya.
Kung anong pipiliin ko.
'Ang ikaliligaya ko o ang ikaliligaya ng ibang tao?'
Nakaupo ako sa gitna ng quad. Nag-iisip ng malalim, sabay lapit ng isang taong masyado kong sinaktan. Isang taong minahal ako sa loob ng tatlong taon kahit na paulit-ulit ko na syang sinaktan. At sasaktan muli.
"Magpanggap tayong di tayo."
"Bakit?"
"Para makaiwas sa issue."
"Sige." sabay ngiti pa nya sa akin.
Napuno ako ng guilt. Sa isa pa uli'ng pagkakataon ay sasaktan ko ang isang taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin at unawain ako.
"Hahanap ako ng magpapanggap na kami para mailayo sa atin ang issue."
"Sige. Sino?"
"Uhm, teka. Iisip ako." Ngunit ang totoo ay ayaw ko lang syang saktan. Hindi ko alam ang dapat sabihin. Di ko alam kung tama ang aking gagawin.
"Si Nicole!" Alam ko sa sarili kong hindi iyon ang pangalangang nais kong banggitin pero magiging masyadong halata ang layunin ko kung ang pangalan agad nya ang sasabihin ko.
"HA?! Wag! Ayoko nga! Baka Mafall ka talaga dun e. Pati wala akong tiwala dun." Sa sinabi nyang ito, nagkaroon ako ng pagkakataong simplehan ang pagsasabi ng totoo.
"Alam ko na." Sabay naglabasan ang mga juniors.
Sa malayo ay kitang kita ko siya agad. Simpleng naglalakad. Walang halong arte sa pagkatao. Simpleng maganda. Matagal ko nang balak na sabihin sa kanya. Pero ni minsan ay di ako nagkaroon ng pagkakataon. Kesyo broken pa sya dun sa ex nyang minahal nya ng sobra. Kesyo nabalitaan kong may pumoporma sa kanyang second year. Kesyo may crush sya sa kabatch ko. Ahhhh. Basta. Di ako nagkaroon ng pagkakataon.
"MEGAN!" Lumingon sya.
Totoo pala yung sinasabi nilang may moment talaga sa buhay mo na sa sobrang ganda, parang bumagal o huminto yung oras.
Isa lang ang nakita ko. Isang picture. Isang napakagandang picture na may more than one thousand words.
Dali dali syang lumapit samin.
"Yes?" Hinawakan ko ang kamay nya. Ang lambot. Ang sarap hawakan. Ang sarap sa feeling.
"Tayo na lang." Hindi ko lubos maisip kung sang lumapalop ng sangkalibutan ko nakuha ang lakas ng loob para masabi yun.
"Sige." Nakalimutan kong palaban nga pala sya. Walang inuurungan. Lahat ng hamon tinatanggap.
"Pero pretend lang." Nakalimutan ko yung sagot nya. HAHA. Basta iyun.
"Walang mafofall ah. Pretend lang."
"Onaman."
Nakipagkamay ako sa taong walang kaalam alam na balak ko na pala syang iwan. Ang sama ko no?
Tumayo ako at nagyayang umuwi.
"Walang mafofall ah? Pretend lang. Tiwala naman ako sayo at kay Megan e." Sinabi nya.
Gumuhit sa pagkatao ko ang guilt. Sobrang guilt. Di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Ni di ko nga alam kung tama ang ginagawa ko.
GAGAWIN MONG ESCAPE ROUTE YUNG TAONG TOTOO MONG GUSTO?
"Oo. Naman." Sinagot ko siya.
At kaming tatlo ay umalis na sa quad.
Habang pinapanuod ko siyang pumunta ng dorm, nasusuklam ako sa sarili ko. Ilang beses ko na syang sinaktan. Ilang beses ko na syang niloko. Ilang beses ko na syang pinaglaruan. GUILT. Yan ang natatanging bagay na umiikot sa utak ko ng mga oras na yun. Guilt para sa kanya. Na iiwan ko na naman. At guilt para sa taong katabi ko ngayon. Na kasama ko. Na syang totoong gusto ko. Na baka isipin niyang paasa ako. Pafall.
Sabay kaming umuwi.
That day was full of lies.