Tell me why you're so hard to forget.
Don't remind me, I'm not over it.
Tell me why I can't seem to face the truth.
I'm just a little too not over you.
Not over you....
Ugh! Agad kong pinatay ang alarm ng cellphone ko. Tinatamad pa akong bumangon ngunit kailangan dahil enrollment ngayon.
Kolehiyo na ako sa pasukan. Sa isang State University lang ako mag-aaral dahil hindi naman kami mayaman at hindi namin kaya ang tuition sa isang private university.
Pangarap ko sanang mag-aral sa Baguio dahil doon din naman ako lumaki.
Ngunit mula nung natanggal si papa sa kompanyang pinagtatrabahuan nya noon, nanirahan na kami sa probinsya. Nakabalik din naman si papa sa kompanyang yun pagkalipas ng isang taon ngunit nanatili kami sa probinsya at umuuwi lamang si papa tuwing sabado.
Matalino si papa at hindi ko alam kung bakit sya natanggal noon. Ang importante may trabaho na ulit sya.
Natapos ang enrollment ng maaga at may mga nakilala na akong kaibigan na magiging kaklase ko. Psychology ang kinuha kong kurso.
Sa totoo lang di ko naman talaga alam kung ano ang gusto ko at wala din akong idea kung ano ang psychology. Ang mga magulang ko ang pumili sa kursong to dahil anila ipapasok daw ako ni papa bilang HR sa kompanyang pinagtatrabahuan nya pagka-graduate ko.
Ako nga pala si Mercedes Rimando. Maraming nagsasabing maganda ako pero di ko yun nakikita sa sarili ko. Simple lang ang tingin ko sa sarili ko. Pinagkakamalan din akong mayaman dahil na rin siguro sa itsura kong mukhang meztisa. May lahing Indian si mama at may lahing Chinese si papa. Achiever ako ngunit di ko pinagyayabang yun. At ang estado ko ngayon?
SINGLE :)
BINABASA MO ANG
Di Inaasahang Pag-ibig
RandomThis is my very first story. I am a frustrated writer and this is a true story. Please bear with me! Thank you and enjoy!