Taong 1973
Mabilis na tumayo si Nestor sa kinauupuan nya at iniwan ang ginagawa, nagmamadali syang pumasok sa loob ng malaking bahay, kailangan nyang sundin ang pinaguutos ng anak ng amo nya, si Carolina. Wala pang limang minuto mula nang matapos nya ang unang utos ng dalagita ay may kasunod nanamang utos, mataas na ang sikat ng araw ngunit alam nyang nananatili pa din ang dalagita sa silid nito.
Tatlong mahinahong katok ang pinakawalan nya bago tuluyang pinihit ang bukasan ng pinto,alam nyang hindi magaaksaya ng oras si Carolina para ipagbukas sya ng pinto kaya sya na ang nagbukas nito, ganun pa man ay nakaugalian na niya ang kumatok sa pinto bago pumasok, mataas ang tingin nya sa pamilya ng amo nya, kasing baba ng tingin sa kanya at sa pamilya nya ng mga ito.
Mula sa tarangkahan ng silid ay naaninag na niya ang pigura ng isang kinse anyos na dalagita, nakatalikod ito sa kanya at naka-upo sa kama, nakalugay ang mahaba nitong buhok, bakas sa mukha ni Nestor ang takot at kaba sa kung ano ang ipag-uutos ni Carolina.
Se...senyorita? pinapatawag nyo daw ho ako? bahagya syang lumapit sa kinaruru-unan ni Carolina.
Walang sumagot sa tanong ni Nestor, nagpatuloy lang si Carolina sa kung anong ginagawa nya. Ilang minuto ring nakatayo si Nestor sa loob ng silid, naghihintay ng ipaguutos ng amo nya, gabutil ng mais ang pawis ni Nestor nang muli syang magsalita.
May Ipag-uutos pa ho ba kayo?
Dahan-dahang humarap si Carolina sa kinatatayuan ni Nestor, matulis ang tingin ng namumulang mga mata nito, nanginig ang mga tuhod ni Nestor sa ikinilos ng dalagita, tila na semento ang mga paa nya sa pagkakatayo, iniwas ni Nestor ang tingin sa nagbabagang mata nito.
Makakaalis ka na! bulalas sa kanya ni Carolina, kasunod ang malademonyo at nakabibinging tawa nito.
Mabilis na kumilos si Nestor palabas ng silid, nakakatatlong hakbang palang sya ng marinig ang malakas na pagbagsak sa sahig ng kung anong bagay, napalingon sya. Hindi na sya nagulat sa nakita, agad siyang humingi ng saklolo.
Mababakas sa mukha ng mga magulang ni Carolina ang pag-aalala sa anak, ilang minuto narin ang nakalipas mula ng mahimatay si Carolina at bumagsak sa sahig. Hindi ito ang unang beses na nawalan sya ng malay, dalawa, tatlo? hindi lilipas ang linggo nang hindi nawawalan ng malay si Carolina , kabisado na ni Nestor ang oras at araw nang pagsumpong ng kakaibang pagkatao ni Carolina. Totoong kakaiba sya ngunit mas iba sa mga araw na sinusumpong sya.
Matamang pinagmasadan ni Nestor ang ibat-ibang laki ng mga babasaging garapon na nakapatong sa gilid ng kama ni Carolina , halos magbaliktad ang sikmura nya ng siyasatin ang mga nakalagay sa loob ng mga ito. Isang garapon ng mga nabubulok nang mga kuko ng tao, isang garapon ng mga mata ng ibat-ibang hayop, at kapansin-pansin ang nasa isang malaking garapon, daliri ng tao.
Hindi ito ang unang beses na nakita niya ang mga koleksyon ni Carolina, ngunit kilabot parin ang nararamdaman nya sa tuwing pagmamasdan ang mga iyon, isa ito sa mga dahilan kung bakit ganun nalang ang takot nya sa tuwing may ipaguutos si Carolina, ang takot na muling pag-utusan na mangalap ng gustong koleksyunin ni Carolina .
BINABASA MO ANG
MARIA MAGDALENA
HorrorMatagal nang nakalimutan ng mga taga baryo ang kwento, hindi inakala ni Marcus at ng mga kaibigan nya na sila ang muling magpapaalala sa mga taga baryo sa isang trahedyang matagal nang nakalimutan ng lahat. Isang kwentong matagal nang nabaon sa l...