C22

195 22 0
                                    

22. Battle of Mind and Heart ..

Regina's POV

Paika-ika akong maglakad dahil sa mga sugat na natamo ko sa ilang oras na laban. Tatlo na ang nakakaharap ko mula pa kaninang umaga, mabuti nga ngayong gabe wala na.

Pero hindi ko makalimutan si Rain. Ano na kaya ang lagay nya? Alam kong sa mga oras na to, dumudugo na ang sugat nya at nanghihina na sya. Alam ko ding isa ito sa magiging kahinaan ng grupo namin sa darating na game sa DC. Kaya dapat hindi nila malaman ang totoo tungkol kay Rain.

Tumayo mula sa pagkakaupo sa ilalim ng puno. Balak ko nang hanapin ang lima pero naramdaman ko ang pagkilos mula sa likod ko. Laban na naman ba ito?

-----

Steven's POV

Nagmadali akong lumakad para maghanap ng pwedeng igamot kay Rain. Hindi sya pwedeng mamatay dito palang.

Kumuha ako ng mga dahon ng bayabas na nakita ko. Mabuti nalang at merong ganito sa real-life battlefield na to. Babalik na sana ako ng may nahagip ang mga mata ko.

"Sila ate Regina at Lyka ata yon." bulong ko sa sarili ko. Para mapatunayang tama ang hinala ko, lumapit ako sa lugar na yon at nakita ko silang nakatali sa mga puno. Nakakadena silang dalawa sa magkaharap na puno. May limang susi ang bawat kadena.

"May isang daang susi dyan sa lupa. Pero sampu lang ang tama sa mga susi dyan. Meron ka lang isang oras para iligtas ang isa sa kanila o kung kakayanin mo ay dalawa silang maliligtas mo. Are you ready?"

"Shit!" Ang tangi kong nabanggit. Bakit ba ganito kahirap ang training namin. Humanda ka sakin Mr. F pag nakalabas kami dito.

Nagsimula na akong maghanap ng mga susi. Kailangan ko silang maligats pareho. Kailangang dalawa silang maalis ko sa kadena.

Sumubok na ako ng sampung susi. Sinubukan ko muna kay ate pero walang tumama. Sinubukan ko din kay Lyka pero wala din. Shit! Ano ba to? Natataranta na ako. Ayoko silang mawala pareho.

Tinapon ko ang sampung nagamit ko. At sumubok muli ng sampu. Hindi ako titigil hangga't hindi ko sila naliligtas.

Pero bigla kong naalala si Rain. Paano si Rain? Nangako akong babalikan ko sya. Sino ba talaga ang dapat kong unahin?

"Ahhhhhhhhh!" sigaw ko dala ng frustration. Naguguluhan na ako. Dagdag mo pa ang 40 minutes na natitira sa oras ko.

*****

Alexa's POV

Hawak hawak ko ang sugatan kong balikat. Masyado akong nahirapan sa huli kong kalaban. Malakas ito na parang si Steven. Pero hindi dapat ako sumuko, kung dito palang susuko na ako. Wala akong karapatang sumali sa Survival Game ng Deathly Club.

May napansin akong mga bangkay ng limang babae na basag na basag ang mukha. Isa lang pwedeng makagawa nito. Si Steven. Ibig sabihin, malapit lang ang kinalalagyan nya dito.

Tumakbo ako palayo sa mga bangkay nang mahagip ko ang grupo ng mga lalaki. Nakapalibot sila sa isang tao. Si Richmont. Lumapit ako sa kanila pero napatigil ako nang magsalita ang isang lalaki.

"Maganda si Alexa no. Kamukhang kamukha ni Lily. Kilos at pananalita. Kasing tapang din sya ni Lily."

"Alam ko kalalaki mong tao pero ang dami mong dada." galit na saad ni Richmont.

"Bakit pre, tama ba ang hinala namin na kaya mo lang nilapitan si Alexa dahil kamukha sya ni Lily?" Hinintay ko si Richmont na sumagot pero walang binigkas na kahit anong salita ang bibig nya.

"Natameme ka pre! Siguro nga tama kami."

"Kalalaki nyong tao mgchismoso kayo." sumugod sya sa mga lalaki pero pinagtulungan lang sila. Lumapit ako para tumulong.

Chess Pieces #BSAwards2017 #BestBloodyAward [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon