Mhace on the side.Emanie
Nandito ako ngayon sa bahay ng ultimate crush ko *0* si Cyrus.
Tinitignan ko yung mga pictures niya nung bata pa lang siya na nakadisplay dito sa bahay nila. Grabe ang cute niya kahit nung bata pa lang siya.
" ehem."
Ay nakalimutan ko pa lang banggitin sa inyo na nandito din itong unggoy na ito. Si lance. Ngayon na kasi kami gagawa ng grouping namin sa Math which is we need to sell anything or any trick that we can reach as higher as 5,000 pesos na gagawin namin sa foundation week na gaganapin next week na. Kaya kailangan na namin ng plano.
" baka naman nadapa na yang si Cyrus kasi kanina mo pa siya iniisip. O baka naman kinukulam mo na si Cyrus. Hahaha.."
" abat hoy anung akala mo sa akin mangkukulam." sabi ko habang dinu-duro pa siya.
Tinignan niya ako from head to toe tsaka nagsalita " yes"
Abat sumusobra na itong baklang ito ah.
" hot bakla sabihin mo lang kung may gusto ka din kay Cyrus."
" ako may gusto kay Cyrus eh mas gwapo pa nga ako dun eh tsaka anung sabi mo 'din'? So may gusto ka kay Cyrus?"
Nasabi ko ba yun? Wala akong maalala.
Magsasalita pa lang ako ng dumating na si Cyrus galing sa kusina at may dalang pagkain.
" tamang-tama gutom na ako." aba ang kapal talaga ng baklang ito.
" ikaw Emanie kain ka na din." alok sa akin ni Cyrus habang nakangiti. Yung ngiting tipong nakakalaglag lahat.
" okay lang ako." habang nakangiti ng pagkaganda ganda. Ihh nu ba yan? Concern siya sa akin.
" dami pang arte. Oh!" sabi ni Lance sabay subo sa akin ng cake na dinala ni Cyrus.
Tinignan ko siya ng masama. Badtrip!
" ahmm Emanie may ano ka--" sabay nguso niya na parang gusto ng kiss este parang may itinuturo.
"ha?" nagulat na lang ako ng pahidan niya yung gilid na labi ko gamit yung thumb niya tapos kyahh kinain niya.
-////-
" tsss.. Agsgdfsggagahgsjsjjdgsjhxdbks."
" anu yun?" tanong ko kay Lance dahil hindi ko naintindihan kung anu yung binulong niya.
Lance
"tsss.. Dito pa talaga nagharutan sa harap ko."
" anu yun?"
Isa pa itong babeng ito eh lumalandi. Anu bang nakita niya dyan kay Cyrus eh mas pogi naman ako dyan.
" wala ang sabi ko magsimula na tayo."
" oh sige. Kung magtinda na lang kaya tayo ng girly stuffs."
" ha? Nababaliw ka na ba! Pagtitindahin mo ako nun. Ayoko nga!" kontra ko.
Anu ako bakla? Baka si Cyrus pumayag pa.
" yeah i agree. Emanie we should think another items to sell."
Tss.. Kunyari pa tong si Cyrus eh. Alam ko naman na gusto din niya.
" eh anu?" sabi ni Emanie sabay pout. Tss kala mo naman cute mukha namang bibe.
Tumayo si Emanie papunta sa likod ng sofa habang nagiisip.
" ouch. Ou-ch." nakita ko si Emanie na nakatingin sa bandang paa niya at parang sobrang nasasaktan.
BINABASA MO ANG
The HeartBreakers (Under Construction)
Ficção AdolescenteTHE HEARTBREAKERS this site is for all the men who got hurt by the womens.. if you want to get even to them then hire us. all we need is 100,000 pesos for the payment and the info about the girl. every week we'll give you an update. The contract...