Chapter 9: Harana

59 2 0
                                    

"Anong guess guess ka nanaman jan?" tanong ni Edna habang kausap ko siya sa phone.

"Hulaan mo nga eh. Wala ka bang maisip na dahilan kung bakit ako napatawag sa iyo agad?" ani ko.

"Wait saka ka lang naman tatawag kung may lakad eh. Teka nga. Tungkol ba ito sa misyon mo kay Edward?"

"Tama! Galing mo ah? Iba ka talaga!"

"Oh anu naman tungkol sakanya?" tanung nya.

"May jowa siya confirm!" at sinabi ko na nga lahat ng detalye kung anu ang napag usapan namin sa text ni Edward. Wala na akong ibang narinig sa kabilang linya kundi ang kanyang halakhak.

"Anu ba tumigil ka nga sa kakatawa jan baka hindi mo nanaman maintindihan yung mga sinasabi ko eh." ani ko.

"Sira ka talaga. Natatawa lang talaga ako sainyo! So may idea ka kung sino ang jowa niya?

"Wala nga eh. Wala naman ako nakikitang kasama niya sa school or sa department. Ang mysterious diba?"

"Hala isama mo na yan sa misyon mo at alamin mo agad kung sino ang jowa niya."

"Eh paano ko naman gagawin yun? Hindi ko naman pwedeng itanong kung sino ang jowa niya? Ikaw kaya mag tanong at mukhang ikaw ang sobrang excited malaman eh!?" ani ko.

"Ikaw ang binigyan ko ng misyon kaya ikaw ang gumawa. Buti sana kung ka department nyu ako edi ako na lang ang gumawa ng mga pinapagawa ko sa iyo!" sambit ni Edna.

"Fine sige ako na. I'll just have to find some ways how to extract some information about his love life that obviously you are drooling to know more about it." Sabay tawa ko.

"Wag mo nga ako binabaliktad!! Obviously pareho lang tayo na iintriga sakanya noh!"

"Ok so I have to make a new plans again. Sige ibababa ko na at mauubusan na ako ng load sa iyo eh. bye!"

At tuluyan ko na ngang binaba ang telepono at bumalik naman ako sa pagiisip kung sino nga ba ang napaka mysteryosong 'love of his life' ni Edward. Di ko maiwasan ang isipin kung bakit ko nga ba binibigyan ng panahon ang pagsaliksik ko sakanya. Inaamin ko sa aking sarili na natutuwa ako pag kasama ko siya at lately eh siya na ang naiisip ko. Anu ba itong misyon na toh? Bored lang ba ako kaya ginagawa ko ito oh sadyang nag kaka gusto na rin ako kay Edward? Hay ang hirap naman ng aking sitwasyon pero naumpisahan na namin kaya hindi na ako pwede mag backout. Wala naman masasaktan sa aming gagawin. Katuwaan lang naman.


Sumapit ang weekends, Sabado ngayon at dalawang araw na lang ay pasukan nanaman namin sa darating na lunes. Naka receive ako ng text mula kay Apol. Mukhang may hangover pa sila sa nakaraan naming outing sa probinsya.

TEXT:

Apol: GM- mga boss! pasyal tau sa burnham mamayang hapon sino gusto sumama?

Me: Wat time?

Apol: Mga after lunch Grei. 2pm kita kits sa may lake.

Me: Sige pwede ako. sino pa ba sasama?

Apol: D makakasama sila William at Ronald pero lahat daw ng girls sa boarding haws eh sasama naman.

Me: ok baka bored din yung mga yun

Apol: Sige 2pm ha sa may Burnham Lake txt txt n lng see u

Me: ok see u bye

Nag text rin ako kay Edna at tinanong kung confirm din na sasama siya. Mabuti na lang at wala naman daw siyang gagawin sa boarding house kaya naman nag confirm din siyang sasama. Naisip ko na itext si Edward ngunit nag dalawang isip ako kaya naman di ko na tinuloy. 

Wala ng IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon