"Next time I won't allow you to take the examination Ms.generosa." masungit na sabi ni Mrs.Solis ng ibaba nito ang test paper sa harap niya.Sila lamang ang tao sa office nito.Naghihintay naman sa labas si Aidan.
"I'm sorry ma'm.May-----"
"I don't want to hear your excuses.Hindi din naman ako nakakasiguro na magsasabi ka ng totoo.Mas mabuting bilisan mo ang pagsagot.One hour and you need to be done."
"Yes ma'm."
"And lastly Mrs.Generosa.Huwag na huwag mong sasabihin sa kahit na sino na binigyan kita ng special examination.Alam mo naman siguro kung bakit?"
"Opo."
"Start answering now."
Nagtataka man bakit sa kabila ng pagiging istrikta nito ay binigyan pa din siya nito ng pagkakataon ay hindi na siya nang usisa pa.Mamaya ay magbago pa ang isip nito at bigla na lamang siyang palabasin.Sadyang maganda lang marahil ang mood nito ng mga oras na iyon.Sinimulan niya ang pagsagot.
"Kamusta madali lang ba?" salubong sakanya ni Aidan nang matapos ang mahigit isang oras.Nilagpasan niya ito.
"Alam mo nagtataka ako kung bakit binigyan niya pa ako ng chance.Wala sa ugali niya ang gagawin iyon.Tingin mo? Ano kayang dahilan?"
Umarko ang dalawang kilay nito. "Ako ang dahilan."
Nagugulat na nilingon niya ito. "Ano?"
Pumantay ito sakanya.
"Humingi ako sakanya ng kondisyon.Kahit ano payagan ka lang niyang makakuha ng exam.Naisip kong isakripisyo ang pagiging summa cum laude ko.Binigay ko ang posisyong iyon sa anak niya.Kung hindi mo nalalaman masyadong takaw ang anak niya sa pwesto ko." nagawa pa nitong matawa.
Ikinagulat niya ay ang pagsasakripisyo di umano nito.Hindi siya makahigilap ng salitang dapat na sabihin dito.Hindi niya akalaing magagawa nito ang bagay na iyon.Hindi naman siya ganoon kaimportante dito.
Nilagay nito ang mga kamay sa bulsa ng pantalon at nagsimulang maglakad.
"It's not a big deal Paige.Sawa na akong laging manguna."
Humabol siya dito.
"Hindi mo naman ‘yon kailangan gawin.Kung hindi niya man ako ipasa pwede ko namang balikan ang subject niya next year.Okay lang 'yon sakin.Bakit------"
"Ayoko sa lahat ay parang sinisisi mo pa ako sa ginawa kong pagtulong.Alam mo naman sigurong masyado kong pinapahalagahan ang pag-aaral hindi ba?Hindi ba pwedeng matuwa ka nalang at pasalamatan mo na lang ako?"
Napailing-iling siya.Mas apektado siya sa ginawa nito.
"Ikaw lang din naman ang inaalala ko.Mahalaga ang pagiging summa cum laude.Kaya----."
"Mas mahalaga sa'kin na wala ka nang babalikan sa susunod na taon." umangat ang pares ng kilay nito.Huminto ito at binabaan siya ng tingin. "Now can you thank me?"
"Aidan naman kasi eh........"
"Ano?"
"Sige na nga!.....Te-thank you.Pero-------"
Idinikit nito ang bibig sakanyang tainga. "No more buts.Ginusto ko 'to kaya 'wag kang makonsensya.Mas matutuwa ako kung tatanggapin mo ang tulong ko ng bukal sa puso mo.You're welcome Paige." he expressed cheerfully . "So? How's your exam?"
He chased him when he again started to walk.
Tumabingi ang nguso niya sa tinanong nito. "Sa totoo lang, mahirap."
"Kung alam ko lang na mahihirapan ka tinuturan sana kita.Matalino ka sabi ni Ethan."
Nasamid siya.
BINABASA MO ANG
The Promise (COMPLETED)(EDITING)
RomanceBinilin ni Ethan sa noo'y labing pitong taong gulang na si Paige na siya ang dapat na maging boyfriend nito kapag tumuntong na ito ng eighteen. Wala naman iyong kaso sa dalaga dahil gaya ni Ethan ay may gusto din siya dito. Everything was planned bu...