#AOS

240 4 0
                                    

"Nakakainis kana hah!" .

Paaaak!

Isang sampal nanaman ang inabot ko. Kararating ng asawa ko at heto, lasing nanaman siya.

Wala akong ginawa kundi umiyak nalang ng umiyak sa sulok.

Siya na nga ang nambabae at nangangaliwa, siya pa may ganang magalit.

"Ano? Bakit hindi ka sumagot? Napipi kana ba? Hindi mo na mabuka iyang bibig mo?!"

"Aian, tama na... Lasing ka nanaman." nagawa ko pang tumayo kahit na umiiyak na.

Nilapitan ko ang asawa ko at niyakap siya. Sana kahit sa ganitong paraan ay maibsan ang kanyang galit saakin.

"Bitawan moko' Linda!" sabay hawi niya sa kamay kong nakayakap sakanya.

Isang taon na kaming kasal ni Aian Jett Velasco. Hindi naman kami ganito noon. Alam ko marami na ang nangyari. Dumating din kami sa mga pagsubok, pero hindi kami ganito dati. Masayang-masaya kami.

"Ah! Tama na! Ibaba mo nako Aian!" sigaw ko habang buhat niya ako.

Tawa lang siya ng tawa. At hindi ako pinapakinggan.

"AIAN!!" sigaw ko nanaman. At nakatakas ako sakanya.

Hinabol niya ako.

"C'mon Linda!" sigaw din niya sabay habol nanaman saakin.

"Ahhh!!" napatili ako ng habulin niya ako. Nadapa pa ako sa buhangin pero agad akong naalalayan ni Aian.

Nagkayakapan kami at nagkatitigan.

"Mahal na mahal kita Belinda Seres-Velasco... Habang buhay kitang mamahalin..."

"Mahal na mahal din kita Aian Jett Velasco.. Higit pa sa buhay ko...." at dumampi ang labi namin sa isa't-isa.

Matagal na rin iyon. Siguro mga limang buwan pagkatapos namin ikasal ay doon na nagsimula ang problema namin.

Noong dumating siya..

"Hi Belinda!" sabay beso niya saakin.

"Oh? Nakauwi kana galing Belgium? Kumusta ka? Namiss kita!" sabay yakap ko sakanya.

"Maayos naman ako! Ikaw? It's been a while! And you look matured now. Anung nangyare?"

"Ganoon talaga kapag...." itinaas ko ang kamay ko para ipakita ang wedding ring ko. "Kasal na.."

Napatakip siya ng bibig. "Oh? Really? Oh my God! Sino tong maswerteng lalaking napangasawa mo? Oh my God 'Linda! Ipakilala mo ako sakanya!"

Medyo nag-alangan ako noon na ipakilala sakanya si Aian. Dahil alam ko kung ano ang ugali niya pagdating sa mga lalaki. Pero hindi na ako nabahala noon dahil kasal naman na kami ni Aian at may tiwala ako sa asawa ko.

"Hun, this is my bestfriend, Chantelle Guanzon.. Chan, this is my husband Aian Jett Velasco..."

"Nice to meet you, Aian Jett Velasco..." bati niya sa asawa ko at nag-offer pa ng shakehands. Nakita ko noon ang malagkit na titig niya kay Aian pero binalewala ko nalang.

"Ano bang nagawa ko sayo?" sabay iyak ko nanaman. "Lahat naman ginawa ko hah! Bakit ka ganyan?? Ganoon nalang ang isang taon natin?"

Hinarap ako ni Aian. "Pwede ba Belinda! Alam mong hindi na maganda ang relasyon natin nitong mga nakaraan buwan!" sigaw niya pabalik saakin.

Tumulo ang luha ko. Iyon ang patuloy kong ipinaglalaban. Ang kasal namin ang siya kong hinuhugutan ng lakas. Ang pangako namin sa isa't-isa na magsasama kami sa hirap at sa ginhawa.

Ako o Siya? (Completed)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon