Dear Janus,
First I want to simply say, SORRY. Oo all caps para alam mong intense and I mean it. Mamaya ko na i-elborate yung maraming sorry ko. Gusto kong malaman mo na I grew up to be a fine lady, kagaya nang sinabi ko sa'yo noon, nung nakipag-break ako sa'yo.
Alam mo nung una kitang nakita, na-gwapuhan agad ako sa'yo eh, kaso nga lang suplado-hin ka, hindi katulad nang mga kasama mo dyan na madaling kausapin. Nasa first year college lang ako nun habang ikaw may stable na trabaho na.
It was a fine Sunday afternoon, nasa kusina ako sa likuran nang bahay namin at nagluluto, Ikaw nasa bubong ka nang bahay nyo kasama ang mga pinsan mo. Kitang-kita ko kayo, nagtatawanan nang mapatingin sa'kin ang pinsan mo.
"Hi Ayen!" tawag sa'kin nang pinsan mong si Ronel. Nginitian ko kayo kase ayokong isipin mo na suplada ako. Nginitian kita. "Ayen, pinsan ko nga pala, si Janus" tinanguan ko lang kayo at tinitigan ulit yung baga.
"Ayen, kakantahan kita ha?" nakahawak na sa gitara si Ronel at alam kong nakatingin ka sa'kin, pero hindi ako tumingin pabalik.
Ikaw ang pag-asa, nasa'yo ang ligaya
sa piling mo sinta ganap ang ligayaNatawa ako kase sobrang old school nang kinanta nya. Bagay lang sa edad nyo, naisip ko. Then hindi sinasadya na napatingin ako sa'yo. Sakto namang nakatingin ka rin sakin.
Agad kong iniwas yung paningin ko, baka kase kung anong isipin mo. Pero nginitian mo 'ko. At bumilis ang tibok ng puso ko.
"Ayen!" tawag sa'kin ni Ronel, "Gwapo nang pinsan ko 'no?" sabay turo nya sa'yo. "Bata pa 'to, binata" napailing naman ako sa sinabi nya. Siguradong magagalit sina Papa kapag narinig sya.
Kilala mo naman ang parents ko diba? Mahigpit sila lalo na sakin, ako lang kase yung babae sa pamilya tapos kolehiyala pa.
Paano nga ba tayo nagkausap noon? Naaalala mo pa ba, Janus? Ako kase sa totoo lang, hindi na. Basta naalala ko na lang eh magka-text na tayo non, biruan.
Una pa lang, alam kong mabuti ka nang tao. Napaka soft spoken mo, you always see positive things sa lahat nang ginagawa mo. Kahit sa mga text mo pa lang kinikilig na 'ko.
Kung ano ka sa text ganun ka rin sa personal. Naalala mo pa nung may practice kami sa school, whole day yun. Sabi mo ihahatid mo lang ako pero nag-stay ka. Inantay mo 'ko.
Naisip ko nun, 'Ano ba 'tong taong 'to? Hindi ba sya aalis? Hindi ba sya maiinip? Wala syang mapaglilibangan, walang magagalaan,' pero nag-stay ka pa rin.
Madali mong nakasundo yung mga classmates ko pati mga kaibigan ko. Kinuha mo pa nga yung mga number nila eh. Nilibre mo rin sila.
Kapag may time ka, tinatawagan mo 'ko, palagi mo 'kong pinapadalhan ng mga sweet text messages. Wala akong masabi sa'yo. Mabuti kang anak. Ano pa ba? You're every woman's dream guy.
Yet I broke up with you. Pero hindi ka nagalit, iniintindi mo yung makasarili kong dahilan.
Kailan nga kita sinagot? October 16. Palihim lang yung relasyon natin nun, kase ayaw mo rin naman na mapahamak ako. Masaya tayo.
Sa mga patakas na pagkikita, palihim na mga tingin at ngitian. Ilang beses mo 'kong pinilit na ipakilala ka sa mga magulang ko pero hindi ko ginawa. Alam mo naman di ba?
BINABASA MO ANG
Dear Janus (One Shot)
Non-FictionOne shot story about some realization and experience learned in life. Paano kung nakita mo ulit yung taong iniwan mo noon? Anong gagawin mo? Si Ayen, gumawa sya nang sulat, para sa minahal nya noong si Janus.