Wife versus The Mistress!

5.9K 157 1
                                    

HOW COULD AN ANGEL BE A MISTRESS?
by:Yeshameen Brejente

CHAPTER 13



NABULABOG naman ang mga tao sa buong resort dahil sa malakas na putok ng baril na 'yon. Nagsitakbuhan ang iba at ang iba nama'y pinalibutan nila ang duguang likod ni Russel na tumumba sa buhangin sa paanan ni Angel.

"Russell.." labis na nag-aalalang tawag ni Angel at mabilis na dinamayan ito. Inihiga niya sa paa niya ang ulo nito at haplos 'yon sa mukha. "Russell, lumaban ka ha?"

"A-Angel, p-patawarin mo 'ko." Sabi ni Russell na medyo nahihirapang huminga.

"Tulong! Tulungan niyo kami.." hinging saklolo ng dalaga sa mga taong nakapalibot sa kanila.Nang umiyak si Angelo ay agad namang pinagtulungan ng mga kalalakihang naroon. At isinugod na nila ito sa pinakamalapit na ospital.Sumunod naman si Angel kasama ang kanyang anak.



Mahigit dalawang Linggo na ring nagising mula sa matagal na pagka-coma si Dianne at kakatapos lamang ng kanyang follow-up check up. Papasok sana siya sa study room ni Señor Maximillian nang maulinigan niya itong may kausap sa telepono.

"Alamin niyo kung saang ospital naroon si Russell ngayon! Mga inutil! Ituloy niyo ang pagkuha sa bata.Tiyak na naroon din ngayon ang kabit niya!" sigaw nito sa telepono. Naitakip naman ni Dianne ang kanang palad sa kanyang bibig.

"My God! What's wrong with him?" sabi niya sa kanyang sarili. "I have to go back to the Philippines. At kailangang bawiin ko ang inagaw sa akin ng Angel Madrigal na 'yon! " piping usal ni Dianne sa sarili.Naiisip na ngayon ni Dianne na maaaring may kinalaman nga ang Papa niya sa nangyari kay Russell. Kailangan niyang makaalis ng America sa lalong madaling panahon at kung kina-kailangan ay di malaman ng Papa niya.

She don't need to pack her things up. Pwede siyang bumili kahit saan man niya gustuhin.She called her closest friend that's working in a travel agency and booked a flight to Philippines.Maybe it's about time for her to face her husband's other woman.

Wala namang kaalam-alam si Señor Maximillian sa ginawa ng kanyang anak. Ang alam niya'y nagna-night life lamang ang anak niya at dahil alam niyang kailangan nitong mag-move on sa pagkawala ng sanggol na siyam na buwan ding dinala nito ay hinayaan na lamang niya kahit sabihin pang halos ay di na sila nagkikita sa bahay.



Tagumpay naman ang operasyong isinagawa kay Russell. Nailipat na rin siya sa recovery room.Si Angel kasama ni Angelo ay di rin umalis sa tabi niya. Nakatulog si Angelo kaya inilagay ito ni Angel sa tabi ni Russell sa kama.Hindi talaga maitatangging mag-ama ang dalawa dahil para silang pinagbiyak na bunga.

Napaluhang bigla ang dalaga. Sobrang natakot siya kanina nang mabaril si Russell.Nang saluhin nito ang balang dapat sana ay para sa kanya.

"Alam kong mali, alam kong hindi dapat Russell. Pero ang isiping sana ay buo tayo ni Angelo bilang isang pamilya ay di ko maiwasan.Kaytagal na ng panahong pinilit kong limutin ka.Pero kapag naaalala ko ang maligayang sandali ko sa piling mo, kapag naaalala ko kung gaano mo 'ko napasaya, pakiramdam ko bumabalik ako sa pagiging tanga." Piping usal ni Angel na luhaan pa rin. "Alam kong sa kabila ng lahat, alam kong karapatan mo pa ring makilala ang anak natin. Ang anak mo sa akin."

Natawagan na rin ni Angel si Magdalena.Naipaalam na niya dito ang nangyari sa resort kanina.Kaya di na nagulat si Magdalena nang makitang may nag-iimbestigang mga pulis roon.

"Angel.." marahang tawag ni Russell nang magising ito.

"Russell.." tugon ng dalaga at lumapit na dito.Pilit na inabot ni Russell ang kanang kamay ng dalaga.

"Nagkaanak ba tayo?" unang tanong nito.

"Naging tahimik na ang buhay ko. At ang buhay ng anak ko. Gusto kong--"

How Could An Angel Be a Mistress?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon