Si MANG iNASAL...
“Ang dami namang tao. Gutom na gutom na ko e. POTEK”
Yan lang ang masasabi ko ngayon. Badtrip naman kasi e, pag gantong oras, lagi na lang puno sa Mang Inasal. Patok na patok talaga sila sa mamamayan. Unli rice e. Ang tatakaw talaga ng mga tao. -___-
“Ano pre, san tayo?” tanong ko kay Jill, pinsan ko.
Nandito nga pala kami sa Mang Inasal ngayon. Ayy hindi, nasa labas pa lang kami. Tinitingnan pa lang kasi namin mula dito kung may mauupuan pa kami sa loob. Sa kabutihang palad, WALA.
“Dito na tayo. Mamaya may aalis din dyan.” Sagot nya.
“Unli Rice talaga gusto mo ah.”
“Sige sa Max’s na lang.”
“Joke lang, eto naman. Mas masaya kumain pag unlimited rice diba?” sagot ko.
Palibhasa sagot ko ang lunch namin ngayon. Nagbirthday ako nung isang araw e. Sorry naman kung kuripot ako, taghirap kaya.
Pero ayos naman sa Mang Inasal diba? Mura na, masarap pa. SULIIIIIIIIIT!
“Tara na sa loob, hanap tayo upuan.” Yaya ko.
Pumasok na kami sa loob. Naglibot-libot kami pero wala talaga kaming nakitang bakanteng upuan.
Palabas na sana kami nang bumuhos ang tao. Oo, bumuhos talaga. Nagkasabay-sabay yung mga grupo-grupong paalis at papunta sa Inasal. Leshe.
Nastuck kami sa gitna ng daan samantalang dinadaan-daanan lang kami ng mga tao. Bakit ba sila nagsabay-sabay! >_<
Nagpaikot-ikot ako, nagpagilid-gilid at nagpausod-usod para lang makahanap ng butas para makaalis pero pagtalikod ko.... O.O
Isang gwapong nilalang ang bumulaga sa akin.
Corny man sabihin pero sa gitna ng rumaragasang tao, nagkatitigan kami ni kuyang gwapo...
Nakatingin... Nakatingin talaga sya sakin.. sa mga mata ko... yung gwapo nyang mata, nakatingin sa magandang mata ko...
“Yieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!”
Natauhan lang kami ni kuya nang nagreact si Jill.
“Huy!” sabi ko tapos pinandilatan ko sya. Nakakahiya kaya! Narinig ni kuya yung reaksyon nya!
Agad akong tumalikod since nakakahiya talaga kay kuya. Baka naturnoff sya sakin. Lokong pinsan to. Kainin ko to e. Gutom na gutom pa naman ako.
“Tara na nga!” sabi ko sabay hila sa kanya palabas.
“Miss, pwede magpareserve?” sabi ni Jill matapos pumalag sa kapit ko.
“Yes ma’am ilan po ba kayo?”
“Dalawa lang.” siga talaga sumagot tong pinsan ko e.
“Wait lang po.”
Nasa gilid na kami ni Jill ngayon. Ayoko na sa gitna no, mamaya baka magkastampede pa. HAHAHA OA. Sorry naman ah, gutom kaya ako. Nanlalambot na ko sa gutom kaya kung magkastampede man, deads ako.
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Syempre hinahanap ko si kuyang papabol. Ang gwapo nya e, shet.
“Ma’am, this way po.” Sabi samin nung babaeng crew kanina.
Sumunod naman kami at nagkaroon na ng pwesto. Nasa gitna kami ng dalawang babaeng nagchichikahan sa kaliwa, at dalawang matandang mag-asawa na naguusap sa kanan habang kumakain ng halo-halo. Dikit-dikit kasi ang table namin. Basta na lang kami siningit ni ate. -_-
BINABASA MO ANG
Si Mang Inasal
Short StoryKapag hiningi ng isang gwapong-gwapong crew ng Mang Inasal ang number mo... IBIBIGAY MO BA? :))