Hi :) Hello sa mga SSC III-Einsteins!!!
-------
Sa School.
Sam's POV
" Im so much gutom na, I like to eat donut", sabi ko kasi naman nagwawala na yung alaga ko satyan noh! Katatapos lang ng klase namin, haggardness teh.
" Tara sa Dunkin Donut," pang aaya ko.
" Sige sige gutom na rin kami eh", sabi ng aking mga fabulous friends.
At kamiy naglakad na papuntang dunkin,malapit lang naman kasi sa school namin eh.Pero habang naglalakad ay may nakasalubong kaming mga cute,maco at ohh so hot na mga fafabols!Para kaming kiti kiti sa kilig.
" He's so cute,OMG!", sabi ni Rina na kumikinang ang mata(anu yun may glitters?hahah)
"So hot!",sabi naman ni Yami habang pinagpapawisan.
"Grabe lang ha!lantod niyo", sabi ko.
"uy pero gwapo nga, hahah!", pahabol ko.
" Tignan mo to may tinatago rin palang lantod!", sabi ni Yami.
Sa Dunkin Donut.
" Akin po Bavarian", aniya ni Rina
"Ako makiki-wifi lang,hihi", tawang sabi ni Yami.
" Ito naman hindi na nahiya.Ako po Choco Butternut",ayt gutom na talaga ko.
"Ma'am, sorry po may nagpareserve po eh",sabi ng tindera.
"Huwat!hindi ba pwedeng kahit isa lang papuslit,please"'pagmamakaawa ko with beautiful eyes pa yan ha!
"Ma'am andyan na po yung nagpareserve"
Tumalikod ako para makita ang hinayupak na umubos ng choco butternut ko. As I turn around,I was stunned dahil sa lalaking nakita ko.Siya yung nakasalubong ko kanina ah.
"Pwede ko na po bang kunin yung pinareserve ko", Taray,macho ng boses.
"Sige po sir" pacute pa yung tindera ha,may taning naman na yung buhay(If you know what I mean)
Binigay na ng tindera ang box,habang ako ay nakatitig lang.
"Tara uwi na tayo badtrip", sabi ko saking mga fabulous friends,badtrip nung gwapo na yun ha. ^_~
"Wait!mag la log out lang ako sa fb",sabi ni Yami,tingnan mo to naki wifi lang talaga.
Kinabukasan.
" Kakainis talaga yung lalaki kahapon,inubos niya lahat ng choco butternut", inis na kwento ko saking fabulous friends.
Nagkekwentuhan kami habang wala pa ang teacher namin.Pero sandali lang yun,dahil speaking of the teacher,dumating na.
"Goodmorning class", bati ni Ma'am with Bisaya accent yan ha.
"Goodmorning Ma'am", in chorus na bati namin.
"Miron kayung bagung klasmiyt", pinipigilan naming tumawa dahil sa accent niya,hihi.
Naexcite naman ako dun sana lalaki tapos gwapo,crossfingers!
"Hi, Im Lance Villegas",sabi niya,syet ang gwapo.Kaya lang siya yung umubos nung choco butternut ko kahapon eh.Pero past is past,kailangan ko siyang maka close.
"Okay Mr.Villegas seat beside Sam", Woah,tadhana talaga kami ^-^.
Parang nag gimme gimme yung puso ko sa kilig.Hindi ko mapigilang ngumiti,Crush at second sight,hahah!!! I feel sparks,lande ko lang.
Tumagal ang mga linggo,pero hindi kami naging close,ni friends nga hindi eh.Minsan nga iniisip ko bakla siya o kaya naman mabaho ang hininga kaya hindi nakikipag usap.Pero one time kinausap niya ko,susme tinanong lang kung bakit bilog ang mundo,kwento mo sa pagong.
Then one day mag isa kong nag foodtrip,wala mga fabulous friends ko eh may mga date,aww buti pa sila.At dun nakita ko si Lance.
"Hi",bati niya.himala ah kinausapniya ko.
"Hello',tipid kong tugon.
"Ate,choco butternut po"
'Ma'am wala na po,last na yung nakuwa ni Sir',na naman!
"Ah,okay",bat lagi n alang niya ko inuubusan ng favorite kong donut,siya kaya kainin ko,heheh.
"Tara hati tayo",sabi ni Lance.
"Wag na,sayo yan eh.Kahit gutom na talaga ko", arte ko.hihih.
"Tss,ito na oh.Nangongonsenya ka pa", hinati niya yung donut,tas binigay sakin.
"Salamat", kailangang pigilin ang kilig :)
"May sasabihin nga pala ako sayo",medyo nagblush pa siya.Cute!
"Ahm ano yun?" sabi ko.
Lance POV
"Pare,ana ganda oh", sabi ni Japs,tropa ko.
May nakasalubong kasi kaming mga babae,papunta ata sa Dunkin Donut.Speaking kukunin ko na rin yung pinareserve nung nanay ko,para na rin makita ko yung magandang nilalang na nakasalubong ko,hahah :D
Kaso badtrip ata,wala na kasing choco butternut favorite nya pa ata yun.And nakita ko yung uniform niya,dun nga pala ko nagtransfer sa school nila.Maisuggest nga sa section nya ko mapunta.
Sinuggest ko rin na katabi ko siya,O diba todo effort.Kaso hassle hindi ko siya kayang kausapin,natitiklop ako eh,banas.Minsan kakausapin ko siya,kaso puro weird na tanong lang naman,kuna anu ano na siguro iniisip nito sakin.Pero habang tumatagal nagugustuhan ko siya.Kakaiba siya eh,alien(de joke :))Kaya ngayon magcoconfess nako.Tugudug tugudug...
"Ahm ano... kasi......ahm ano" --- hinga malalim.
"Sabihin mo na nga ng diretso" sabi niya.Sige ginusto mo yan.
"Sam,Mahal kita.Hindi dahil sa maganda ka.Syempre bonus na yun.Iba ka kasi eh.Mabait ka,Matalino,Magaslaw,Maingay,Matakaw at madami ka pang katangian na ni sa panaginip di ko aakalaing magugustuhan ko.Kasi pag ikaw yung gumagawa,ang ganda tignan.Sana maniwala ka naman oh,Mahal kita.Kahit ako lagi yung umuubos ng choco butternut mo.Nagpapapansin lang ako sayo,alam muna dumadamoves ako."nakatitig lang ako kay Sam.Sana ganun din nararamdaman niya para sakin.
"Lance Gusto din kita", p*ta napakasaya kahit hindi Mahal yung sinabi niya,Ayos lang sakin yun.Kaya yinakap ko siya.Bawal pa kiss,rated SPG.
"Edi tayo na? tanong ko.
"Ano ka sineswerte? Manligaw ka muna!" hahah,kaya gusto ko tong bababeng to eh.Dahil sa pag ubos ko lagi ng choco butternut niya,napansin niya ko naconfess ko rin ang feelings ko para sa kanya nang dahil sa pagsheshare nain ng donut.
------
The End.
Oo alam ko corny,hahah.Pagbigyan.
Ibuniii <3