"Handog ko ang isang maikling istorya na hindi naman ganun kahaba, pero mapapaisip ka at matutulala"
*kabilugan ng buwan*
*malamig na hangin ang pumapasok sa bintana......*
Ngayong Gabi iba ang pakiramdam ko hindi ko alam kung bakit,
Alas Dose na ng gabi……..
hindi pa ako natutulog dahil meron pa akong tinatapos na proyekto…
gusto ko na talagang matapos ito, at maya maya ng may narinig akong:
"BALOOOOOOOOOOOOOOOT!"
Sinilip ko si Manong na dumaan sa may bintana…
akala ko hindi siya lilingon pero lumingon ito sa kung nasaan ako…
Pinagtataka ko, hindi ko naman siya kilala pero nakuha niyang NGUMITI sakin…
ngumiti rin ako sa kanya bago pa siya lumakad ulit…
Nang pagbalik ko sa aking kinauupuan, tumayo bigla ang lahat ng buhok sa buong katawan ko……..
Na-realize ko, nandito ako sa ika-TATLONG palapag ng bahay namin……..
*Katahimikan*

BINABASA MO ANG
"Manong"
Short StoryIsang Horror story na di ganun kahaba, wala pang limang minuto ang gugugulin mo sa pagbabasa pero tiyak kung magiiwan ng kaba.....