Chapter 2
Tinitigan kong mabuti ang picture ni sir john at lanie. Hindi ko alam kung bakit ko tinitigan itong picture nilang dalawa. Basta. Nakaramdam na lang ako ng inis. Siguro dahil broken hearted ako ngayon. "Tantanan ang pagtitig. Baka ika'y mainlove." Natatawang sabi ni mharielle.
Napairap na lang ako. The hell. Porke ba tinitignan ko picture ng dalwang ito ay maiinlove na ako? Parang hindi naman yata? "Alam mo mharielle? Tigil tigilan mo na ang pagsasabing baka mainlove ako kay sir. Malabo mangyari yun." Sabi ko habang nililigpit ang gamit ko.
"Eh. Malay mo naman. May himala na mahulog ka sa kanya. Anong oras nga ba review niyo ngayon? *ngisi*" nanlaki ang mata ko. What the! May review nga pala kami. I forgot! Pinagluto ko pa naman si harry at nagfacebook lang ako sandali. Langya. Paano ko iidadaan? Kulang na ang time ko.
"Mharie. Pwede bang ikaw na magbigay ng pagkain na niluto ko. Para kay harry?" Napakonoot ang noo at nanliit ang mata niya.
"Me? Me? Hoy hoy. Hindi ko ibibigay yan doon. Kapal ng mukha niyang saktan ka. Pagkatapos may gana ka pang bigyan yun ng pagkain? Hala! Akina na yan. Ibibigay ko lalagyan ko ng lason." Sabay hablot niya. Tunay ko ba itong kaibigan ayaw 'man lang akong suportahan kung saan ako masaya. Tsk.
"Fine. Huwag na. Kailangan ko na umalis. 10 minutes na lang. Mag start na kaming mag review. Baka pagalitan pa ako niya." Nagmadali akong nagbihis at nagsuot ng sandals.
Makikita ko na naman ang pagmumukha ni sir. Bakit kasi sa dinami dami ng tao. Bakit siya pa ang trainor ko. Pwede naman si mam maribeth. Sungit sungit pa non. Buti pa si harry. Hindi ganoon. Mabait, cool, gentlemen, gwapo, at higit sa lahat mapagmahal kaya ayon. Lahat minamahal sa sobrang mapagmahal. Leche siya.
Hagard akong dumating sa school. Saturday ngayon. Kaya kaming dalawa lang ang nadidito ni sir. Buti nga hindi kami sa bahay nila magrereview. Baka raypin pa ang magandang ako.
Saka malaking himala na lang kung pati sa bahay nila pumunta kami. Pumasok ako sa loob ng guidance. Wala pa pala si sir leche talaga iyon. Palagi na lang nahuhuli. Kailan kaya siya mauunang pumasok? Palibhasa malayo ng konti bahay nila.Kung nalalaman ko din na wala pa pala siya. Ibinigay ko muna sana ka harry yung niluto ko. Nakakainis talaga siya.
Nagmuni muni na muna siguro ako. Tutal matagal si sir john.
Siguro nagpagwapo pa si sir!! Napahagikgik tuloy. Saka bakit ba iyon mapapagwapo e wala naman si madame lanie. Kami lang.... Oo kami lang dalawa ang nasa school. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Imbis na inis ang nararamdaman ko. Pagkatuwa pa!
Nagfacebook ako at dumeretso sa timeline ni sir. Wala lang. Titignan ko lang. Uy! I'm not stalker ah? Titignan ko lang naman.
Napawow ako sandali. Daming likers! Imagine teacher lang ang isang ito. Pero parang model dahil sa dami ng naglalike.
Nagscroll down ako at ni isang post wala ka na. Iyong profile lang niya ni lanie. Anong inaasahan ko sa kanya. Malamang hindi iyon nagseselfie kaya ni isa walang litrato. Hindi din siya nag cocomment pabalik sa mga pumuri sa kanya. I mean sa kanilang dalawa. Ibang klase din ang isang ito.
"Oras pala. Para i-stalk ang facebook ko?" Halos mapatalon ako sa gulat. At halos maibalibag ko na din ang cellphone ko. "No no." Mabilis kong sagot at umiiling pa.
Umiling din siya at binaba ang bag niya sa lamesa. Kung saan nakalagay din doon sana ang ibibigay ko kay harry. Napatingin siya saglit sa pagkain na iyon. Wag siyang mag assume na para sa kanya iyon! In his dreams!!
Kinuha ko iyon at inilagay sa tabi ko. Gusto ko sana itanong kay sir kung bakit siya natagalan. But I'm not his girl. So anong karapatan ko para siya ay tanungin. Pero I'm his student. So meroon akong karapatan! magulo na kung magulo ako. Basta! I will ask him.
"Sir, mawalang galang na ho. E bakit ho ba nagtagalan ka?" Magalang at punong puno ng respeto kong sabi.
"Hinatid ko si bb. Lanie. May problema ba?" Medyo galit niyang sabi pero nakangiti pa din. Parang nakashabu lang si sir e.
Umiling agad ako at ngumiti. Gusto ko sana itanong kung bakit niya inihatid. Huwag niyang sabihin na natulog ito sa kanila kaya inihatid. Ang mas mabuti pa huwag ko na lang itanong. Saka labas na iyon sa pagiging estydyante ko sa kanya kung itatanong ko pa.
"Bakit kanina ka pa ba naghihintay?" Napatingin ako sa kanya, habang siya ay inaayos ang mga papers. "Hindi naman po. I'm just asking you sir." Tumango siya.
kinuha ko ang pagkakataon na lingunin siya. Nakangiti. Ngayon ko lang ata siya nakitang nakangiti ng pagkatamis- tamis. Bakit naman kaya? Ah!! I'm not green minded ha! Pero naisip ko lang na baka nag ano sila kaya masaya siya ngayon. "anong iniisip mo diyan at titig na titig ka?" Nahukat ako at bumilis ang tibok ng puso ko.
Leche kayo!! Huwag kayong mag unahan. Makakarating din tayo diyan. Urgh! Don't beat fast!!
"Sir can we start?" Iwinala ko ang tanong niya. Halos hindi ako makapag sagot ng tama nung sinimulan na namin.
Ewan ko ba. Basta palaging kumakalabog ang puso kapag nagsasalita siya.
Umabot ng 2 hours ang pagsosolve namin. Kaya ginugutom ako. Naisip ko dala ko nga pala ang carbonara. Hindi ko na ito ibibigay kay harry. He doesn't deserve this food. yeah yeah!!
Binuksan ko ang lalagyanan at kakain na sana ng naalala ko si sir. ghad!!
"Sir. Kain? Carbonara."
"Wow! That's my favorite." Mahina niyang sabi. Hala! Paborito pala ito ni sir?
"Yes sir. But isa lang ang tinidor."
"We can share." Nanlaki ang mata ko. I know na walang malisya iyon. Pero he's my teacher and I'm his student. "Sa iyo na lang ito." Napailing siya.
"Okay lang iyon." Naiilang ako habang ibinibigay sa kanya ang pagkain. Ano ba naman ito! Para naman kaming nag se-sex sa sobrang kaba at ilang ko sa lalaking ito.
Sumubo ako. Nang maalala kong wala palang tubig. titigilan ko na sana ang pagsubo ng bigla niya akong tanungin. "What is problem?" Nailang ako lalo!!
Grabe hindi ba siya naiilang? Talaga bang paborito niya ito kaya go na go siyang kumain kahit kahati ako.
"Eto coke." Nanlaki ang mata ko. Swak na swak sana. Dahil pares. Pero pati ba naman dito? Para kaming mag jowa!
I'm so sorry lanie santos. Pero may gusto ata sa akin si sir. O imahinasyon ko lang iyon...