Yukine's POV
Maaga akong gumising ngayon than the usual. Una pa nga akong nagising kesa kay Rime. Tumayo ako at pumunta sa taas ng rooftop, dito ako minsan tumambay o magpahangin.
Pag-akyat ko pa lang doon ramdam ko na ang malamig na hangin. Humiga ako at pinagmasdan ang kalangitan. Medyo madilim pa rin pero malapit na ang sunrise.
Kahit higit isang linggo na ang nakalipas, nami-miss ko pa rin ang aking mga magulang. Kung pwede lang sana ibalik yung oras matagal ko na 'yun ginawa, pero wala eh kahit anong gagawin ko hindi na mababago ang nakaraan at hindi na rin babalik ang mga magulang ko.Simula noon, wala na rin yung ako na maiyakin at mahina. Lalakas ako para sa aking magulang at hanapin yung nag-utos na patayin sila.
At kapag dumating ang pagkakataon na iyon, sisiguraduhin ko na hindi na nila magawa muling saktan ang iba..Pagkatapos ng ilang minuto, nagpasya akong bumalik sa loob at maghanda.
Sabi ko na nga ba, tulog pa rin yung bata. Haha shh.Kalahati pa nga lang siya sa pinanood niyang movie kagabi ayun, nakatulog na. Naisip ko sanang gisingin siya para bumalik sa kanyang room pero mukhang himbing na himbing na ang kanyang pagtulog.
*snores *
Hayyy..
Nagpasya akong magluto para sa breakfast namin dahil gutom na talaga ako.
Magsisimula
BINABASA MO ANG
Assassination 101
De TodoHindi gaya ng ibang eskwelahan ang Velmir Academy. They have special subjects na tinuturo rin ng special teachers. Ngunit, mayroong isang guro na kakaiba sa kanilang lahat... Siya ba ang makatulong sa academy at sa mga nag-aaral dito? o........ Si...