blossoming love

77 1 0
                                    

Nandito na naman ako sa harap ng pinangakuan nating puno.

Nakaukit pa dito ang ating mga pangngalan.

Im still waiting...

Waiting for you to come back.

Hindi ako mapapagod na maghintay.

Kung ikaw lang naman ang hihintayin.

Naalala mo pa ba?

Ang pangako natin sa harap ng punong ito.

>Flashback<

"Mii-chan. Aalis ako. Pero pangako babalikan kita."

Hinawakan niya ang aking mga kamay.

Alam ko naman e. Na hindi magtatagal sasabihin niya rin ito sa akin.

"Yuu-kun..." Yan lang ang nasabi ko sa iyo noon. Ni hindi kita mapigilan. Ni hindi ko kayang magprotesta sa desisyon mo.

"Pangako. Babalikan kita. At sa pagbalik ko. Hinding-hindi ko na bibitawan pa ang mga kamay mo."

Mas lalong hinigpitan nito ang pagkahawak niya sa kamay ko. At inilapit sa kanyang mga labi at hinalikan.

Napaiyak ako. Bakit ba kailangan niyang magaaral sa malayong lugar? Bakit ba hindi pwede rito? Bakit ba kailangan malayo pa siya sa akin?

"Pangako mo.... Huk... Babalikan mo ako ha.. Huk... at kahit gaano pa kahabang panahon... Maghihintay ako." yun ang nasabi ko sa pagitan ng pag-iyak ko.

Masakit pala sa damdamin kapag ang taong mahal mo ay aalis. Parang pinipiga ang puso ko. Masakit sa dibdib dahil pati ang puso ko nadadamay dahil sa emosyong nadarama ko ngayon.

"Pangako." ngumiti siya ng malungkot.

Pinilit kong hindi umiyak.

"Ipangako mo rin na ako lang ang babaeng mamahalin mo." sabi ko habang nagbabadya na namang umagos ang mga luha ko.

"Pangako. Ikaw lang at wala ng iba."

Pumunta siya sa puno at may ginawa na kung ano.

Sa paglingon niya sa akin. Sumenyas siyang lumapit ako rito. Lumapit naman ako at nakitang

Yuu<3Mii

sa may puno.

Hindi ko na nga kayang pigilan ang mga luhang ito at tumulo na talaga ng tuluyan sa pisngi ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit at doon umiyak sa mga bisig niya. Niyakap niya rin ako ng mahigpit at ipinatong niya rin sa aking kaliwang balikat ang kanyang ulo.

Naramdaman kong nabasa ito.

Umiyak ito. Hindi lang ipinakita sa akin.

Ayaw niyang makita ko siyang ganoon dahil gusto niya sa pagalis niya na ma maintain ang imahe niyang isang matatag at malakas na lalake.

Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko at humagulgol na ng iyak. Kahit for the last time bago siya umalis. Mayakap ko man siya at malaman niya kung gaano ka siya kamahal.

>End of flashback< 

Promise niya yun...

Naramdaman kong may pumatak na likido sa aking kamay.

Pagkapa ko sa aking pisngi. Basa ito.

Hindi ko pala namalayan na umiiyak na pala ako.

Ipinatong ko ang aking mga kamay sa mukha at napaupo.

"Pero bakit ganun....." hindi pa rin ako makapaniwala. masakit sa puso.

Umiyak ako, Yung iyak na hindi ka humihinga tapos masakit sa puso.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

blossoming loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon