Friday ng naisipang mag get together ng mga former ShoutOut teenmates. Kabilang dito ay sina Miles, Julia, Ralph, Enchong, Quen, Elle, at Sam. Paalis na sana ang mga teenmates ng biglang nagtanong si Sam...
SAM: "Bakit tayo lang ang mga kasama? Bakit hindi tayo kumpleto?"
QUEN: "Weh? talaga bang hinahanap mo yung iba o may specific kang tao na hinahanap? Sino? Si Pag-ibig?"
SAM: "shhh!! sabihin ba ang tungkol kay "Pag-ibig?"
JULIA: "teka sino si pag-ibig? ikaw Sam ha naglilihim ka na saamin ngayon ha."
SAM: "wala yun, loko-loko lang itong si Quen..."
ENCHONG: "eh kasi naman sige na nga tara na oh Sam pahiram ng phone mo..."
SAM: "Bakit?"
ENCHONG: " eh di ano pa? eh di tatawagan ko na si pag-ibig nang matahimik ka na. kanina kapa hindi mapakali eh. (at tuluyan na ngang tinawagan nito si "pag-ibig" )Hello! Devs, busy ka ba today?
DEVON: "Sam?"
ENCHONG: " ah hindi ginamit ko lang phone si Sam, I just did him a favor"
DEVON: "favor? by calling me? bakit naman? ayaw nya ako makausap? "
ENCHONG: "ah hindi naman, teka wait lang...busy ka ba today? aayain ka sana namin eh...bonding lang with the other teenmates. sige na sama kana ng matahimik na itong si Samuel!"
DEVON: "naku hindi ko alam kung papayagan ako, kung pwede nyo akong ipaalam kay mommy. Si daddy ko okay lang naman sa kanya basta wag lang ako late uuwi. Si mommy ang kailangan nyong kausapin."
ENCHONG: "oh sige wait lang ha (at kinausap nito si sam para sabihin na kailangan sya ang magpaalam sa mommy ni devon) oh teka eto si Sam sya na daw kakausap sa mommy mo para payagan ka."
DEVON: "ok sige eto na si mommy"
MOMMY LYN: "hello!"
SAM: (medyo nahihiya at natatakot) "hi po si Sam po ito Tita, itatanong ko lang po sana kung pwede pong sumama si Devons sa amin bonding lang po with the other teenmates and friends, sige na po tita please. I'll take care of her po promise!"
MOMMY LYN: "ok sige pero wag kayong magpapagabi ha at baka daddy naman nya ang magalit."
SAM: "opo tita hindi po thank you po talaga. Sige po paki sabi nalang po kay Devon pipickupin na lang po namin sya dyan sa inyo."
Makalipas ang isang oras pinuntahan na nga nila si Devon para pickupin ito at tumuloy na sila sa unang lugar na pupuntahan nila para sa bonding time nilang teenmates.
SAM: "oh Jejevon, ako na magdadala ng bag mo, baka mapagod ka pa eh, mahirap na sumakit nanaman likod mo nyan. "
DEVON: "kakahiya naman ako na nalang medyo mabigat eh. Si mommy kasi kung ano ano pinadala sa akin eh."
SAM: "eh kaya nga ako magdadala eh kasi mabigat, mapagalitan pa ako ng mommy mo, sabi ko pa man din sa kanya I'll take care of you"
DEVON: "weh? eh di sige ikaw bahala basta pagnapagod ka bigay mo nalang ulit sa akin ha?" (at tuluyan na ngang si Sam ang nagdala ng gamit ni Devon)
Lingit sa kaalaman nilang dalawa may mga matang nagmamasid sa kasweetan nila. Pinagmamasdan ang bawat galaw ng dalawa at tila kinikilig. Pinabayaan ng teenmates na mapagisa ang dalawa dahil alam nila na crush na crush ni Sam si Devon. At alam din nila na ang tinutukoy na "pag-ibig" ni Sam ay si Devon.
SAM: "Jejevon, ok ka lang ba? sabihin mo lang kung pagod ka na ha or kung masakit ang likod mo para makahinto tayo para makapagpahinga. "
DEVON: "ok pa naman ako, ano ka ba naman kanina mo pa ako tinatanong kung ok lang ako. eh hindi pa naman kalayuan yung nararating natin eh. "
ELLE: "bestie, ayiii!!! concern kasi si Sam sayo. pansinin mo ikaw lang tinatanong, kami hindi"
ENCHONG: "baka gusto nyong mapagisa since parang kanina pa namin napapansin na itong si Sam eh gusto kang masolo. "
DEVON: "kayo talaga inaasar nyo nanaman si Sam, baka next time na magbonding eh hindi na ako yayain nyan "
JULIA: "naku devs imposible! promise imposible talga!"
DEVON: "bakit naman imposible?"
JULIA: "eh ayan oh kay Sam mo itanong. oh taralets teenmates iwanan muna natin ang magsingirog kailangan yata ng privacy"
Na ipinagtaka naman ni Devon dahil parang halos lahat ng teenmates eh alam na gustong gusto sya ni Sam.
DEVON: "baliw talaga yung mga yun, kung ano-ano sinasabi. hoy! Sam ok ka lang? parang nawala ka yata sa sarili mo ha? eh ayaw mo naman yatang ako kasama eh, tawagin ko nalang sila? gusto mo?"
SAM:" ay hindi! wag gusto ko tayo lang! may sasabihin sana ako sayo Jejevon eh, nahihiya lang ako."
DEVON: "ito naman katakot ka naman bigla bigla ka nalang nagiging serious mode. ano ba yon? sabihin mo na!"
SAM: "eh sana hindi ka magalit ha, kung ok lang sayo sabihin mo lang kung ayaw mo naman ok lang din. tatanong ko lang sana kung ok lang na dumalaw ako sa inyo? "
DEVON:" sus! yun lang ba? eh sige go! hang out lang naman eh ok lang di naman mahigpit sila mommy sa mga pumupunta sa bahay eh."
SAM: "hindi hang out Devs, manliligaw sana ako sayo"
(ay syiiieettt!!! teka lang wait lang kinilig naman ako bigla)
At tuluyan nang namula ang mukha ni Devon at hindi alam kung ano ang sasabihin dahil hindi naman sekreto na matagal na nyang crush si Sam since PBB days pa.