Ikaw ang buhay ko.. (short-story poem)

128 1 0
                                    

Lahat ay nag-umpisa sa isang 'text clan'

Tayo ay kaagad na hindi nagkaunawaan

Sa aking dibdib,poot dagliang naramdaman

Ang aking pasensya ay iyo talagang sinubukan.

Ika'y aking inaway ng lubusan,

Mga binitawang salita sa puso mo'y tagusan

Sa galit na naramdaman,emosyo'y di napigilan,

Simula noon,tayo'y 'di na nakapagkwentuhan.

'Nang araw na iyon,ikaw ang taong kinamumuhian ko

Sa tindi ng galit parang makakapatay ng tao.

'Di akalaing ika'y makakagalit ko,

Dahil sa mga salita mo ako'y naburyo.

Ilang araw ang lumipas aking napagtanto,

Malaking kasalanan ang nagawa ko,

Isang kalapastanganan ang mang-away ng tao

At eksaktong iyon ang pinakita sayo.

Ako'y nagpasyang humingi ng tawad,

Kapatawaran mula sayo ang tanging hangad.

Ito'y di naman pinagkait at binigay kaagad,

Bagong pagkakaibigan ang sa ati'y bumungad.

Oras-oras ating pagkukwentuhan,

Napapadalas na rin ating pagkukulitan.

Unti-unting nahuhulog ang loob ng di namamalayan,

Pag-ibig na nga siguro itong nararamdaman.

Minsan isang araw ako ay nabigla,

'Nang mabasa mensaheng iyong pinadala

'Di sukat akalaing ako'y iniibig mo din pala

Labis na kasiyahan ang nadama.

Sa araw 'ding yon nagsimula ating pag-iibigan,

At nagsimulang mangako ng walang iwanan.

Nagplano na rin para sa kasalukuyan

At magmamahalan ng walang hangganan.

Laking pasasalamat na ika'y nakilala,

Direksyon ng buhay ko'y iyong iniba.

Buong mundo ko'y kay saya,

Nag-uumapaw na tuwa'y di kayang ikaila.

Tunay kang minamahal,walang iba.

Dito sa buhay ko'y walang kapareha

Hindi kakayanin 'pag ika'y nawala

Sa puso't isip ko ikaw ay nag-iisa.

Sana ikaw ay hindi magbago,

'Wag sanang saktan itong puso ko

Mapanindigan sana lahat ng pangako mo

Dahil ikaw ang buhay ko..

-Sheila Noreen

Ikaw ang buhay ko.. (short-story poem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon