SO-15

144K 1.8K 103
                                    


Obsession 15

Tahimik kaming kumain kinaumagahan, magkatabi kami ni Eiji at si Storm at Lauren. Kung noon nauuna akong nagigising kapag magkasama kami Eiji dito. Kanina, inantay ko pa siyang magising. Dahil yon ang bilin niya.

"Hey Ji, nabanggit sa akin ni Tita na 21st birthday mo na next week. Balak daw niya mag paparty ah." Si Lauren ang bumasag sa katahimikan namin.

"Yeah." Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Eiji bigla sa kamay ko na nasa ilalim ng mesa at kanina niya pa hawak.

"Di ba Babe magkasunod lang kayo ng birthday ni Eiji?" Si Lauren ulit at bumaling kay Storm. Storm threw a gazed on us then tumango.

"Tita wants to celebrate it with you actually."

Natigil si Eiji sa pagsubo ng pagkain at nagtatakang kinibot ang labi. "Hindi nabanggit ni Mommy yun sa akin, though anyway. Much better."

Next week na nga pala ang birthday niya. Mag-iisip na tuloy ako kung anong ibibigay kong regalo sa lalaking ito. Pumunta kaya ako ng Mall mamaya? Gusto ko kasi yung ma aapreciate niya. Gusto ko yung hindi basta binili at materyal na bagay lang.
Tama pupunta nalang ako ng mall.

Matapos naming kumain ay nagpaalam muna ako kay Eiji na sa kwarto niya lang ako. Nandoon kasi sila sa bakanteng silid at mukhang business talk ang pinag-kakaabalahan. Hindi ako makakarelate dun. Binuksan ko ang laptop niya at agad nag search sa google ng magandang idea for a gift.
Puro suggestion ay handmade or yung effort much na paboritong gamit ng boyfriend mo.

Napasimangot ako at akmang iko-closed ko na iyon ng mabasa ko ang suggestion ng isang blogger sa blogsite na pinuntahan ko.

Material things are not needed if you really want to give your love of your life, a most remembring gift on her/his birthday. Try to think a special yet not expensive gift for him, like for ex. A picture collage of the of you....--

Hindi ko na binasa pa ang sumunod. Dahil may ideya ng pumasok sa isip ko. I still have a one week. Nilingon ko ang tokador ni Eiji kung nasaan ang photo frame namin kung saan nakahalik siya sa noo ko at parehas kaming nakapikit. Para iyong pang photoshoot.

Kunot noo si Eiji ng magpaalam ako na uuwi muna, nag reason nalang ako na tumawag si Kuya Kent at uuwi sa apartment ko. He insisted na ihatid ako ngunit tumanggi ako dahil, siguradong magtatagal lang kami. Eh balak ko na ngayon simulan ang ireregalo ko sa kanya.

Habang nasa taxi ako ay tinext ko agad si Aerith, siya kasi ang mahilig sa photography. Naalala ko pa ang niregalo sa kanya ng "bestfriend" kuno niya noong Christmas ay isang mamahaling Dslr camera.

I can't wait too see Eiji's reaction.

Makalipas ang halos kalahating oras ay nakarating din ako sa condo ni Erri. Naabutan ko pa doon ang best friend niyang si Tyler na feel at home na feel at home habang nakasuot ng apron at nagluluto ng carbonara.

"Ano bang balak mong pangregalo kay Artemis?" salubong niya sa akin. Saka kami naupo sa sofa. Agad kong dinitalye sa kanya yung gusto ko na ikinatango-tango niya.

"Pero kasi wala akong alam na magandang lugar at setting eh." napakamot ako sa ulo ko. Wala naman kasi talaga akong hilig sa ganon.

"Oo nga no?" sang-ayon ni Aerith at nangalumbaba. Lumingon siya kay Tyler at sinitsitan ito. "Hijo ko." lumingon sa kanya ang binata at nagtaas ng kilay. Naglakad ito palapit sa amin habang bitbit ang plato ng carbonara at tatlong separated plates at tinidor.

Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon