v

211 14 5
                                    

Martes.

Una naming klase ang PE every Tuesday kaya nasa gym kami ngayon. Absent si Sir Velez, ang PE teacher namin kaya para naging free time na lang namin yon. Nakaupo ako sa bench dahil ako ang pinakaunang natapos magbihis ng PE uniform namin.

Nakakatawa lang yung mga lower years na mga estudyante na nasa pintuan ng gym na sumisilip silip. Alam ko ang ipinunta nila dito, at ng lumabas na nga ang grupo ni Tri, naghiyawan ang mga ito na di naman pinansin ni Tri. Ano kaya ang ipinaalam nila sa mga teachers para payagan silang pumunta dito? Nagsisisigaw sila hanggang sa may lumapit ng isang babaeng teacher at kinuha ang mga ID nila. Ang nakakatawa lang, bago pa lumabas ang nakahuling teacher, nginitian nya muna at kinawayan si Tri na di rin pinansin ni Tri.

May pagka snob talaga si Tri, basta kapag ayaw nya, di sya mamansin. Ako lang yata at sina mama ang hindi nya ginaganon. Tawa ako ng tawa sa nangyari hanggang sa lapitan nya ako.

"What's so funny?" Nakakunot ang noo nya na nakatingin sa akin.

"Ang suplado mo. Alam mo ba yon? Di ka man lang ngumiti sa mga fans mo."

Nagkibit balikat sya sa sinabi ko.

"Mga bata pa yon. If I smiled back at them, they'll think na tinotolerate ko yung pagka cut nila just to see me." May point nga naman si Tri pero parang lumalabas na napakahambog ng pagkakasabi nya na binara ko kaagad.

"Sobrang feelingero mo. Paano mo naman nalaman na ikaw tinitilian nila eh di ka naman nakatingin? Paano kung si Hunter pala yon?"

"Huh? Alam kong ako yun." Sa sobrang asar ko, tumayo ako sa pagkakaupo sa bench, tumapat sa kanya at kusang lumapat ang kamay ko sa buhok nya at yon ang wag na wag mong gagawin kay Dimitri Marius- ang galawin ang buhok nya. Uulitin ko, yun lang ang tanging hands off sa akin kahit magkaibigan kami.

Nanlalaki ang mata nya na tumitig sa akin at imbis na matakot, tawa ako ng tawa sa reakson nya. Di ko na napansin na padami na pala ng padami ang tao sa gym ng bigla akong hatakin ni Tri palapit sa kanya. Langhap na langhap ko ang mabango nyang pabango kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. At katulad ng mga naunang nangyayari pag tumititig ako sa mata nya, para akong tinatangay sa ibang dimensyon. Ngumiti sya ng ubod ng tamis, at alam kong may binabalak sya. Nagulat na lang ako ng bigla nya akong kinagat sa balikat. Napa igik ako sa sakit at bago ko pa sya mahampas, nakalayo na sya sa akin.

"Dimitri!" Sigaw ko sa nanggagalaiting boses. Pag ako nakalapit talaga sa kanya, tatadyakan ko talaga sya. Tawa sya ng tawa na ikinatawa ko na rin.

"Let's just settle this in the court." Tinawag nya si Hunter na nagshu shoot mag isa sa ring at ipinasa sa kanya ang bola ng basketball.

Napangiti ako sa sinabi nyang yon.

"3 on 3?" Tanong ko. Nang narinig na maglalaro kami, lahat na ng mga classmates namin ay naghiyawan. Ako lang ang babaeng maglalaro at di naman ito bago sa kanila. Gusto ko ng mga sports na pinapawisan at nagtatakbuhan.

Nagkampihan kami at naging ka grupo ko sina Hunter at Lance. Samantalang ka grupo naman ni Tri sina Dexter at George, isa pa naming classmate.

"First to score 30 points wins." Sabi ni Tri.

"Anong parusa ng matatalo?"

"What do you want?"

"Ililibre mo kami sa eat all you can restaurant. Kami nina Hunter at Lance."

"Sheesh. Yun lang?"

"Oo. Eh ikaw?"

"Later, Lyx. Later."

Nagsimula na ang laro.

Inihagis sa ere ng isa naming kaklase ang bola na agad nakuha ni Tri laban kay Hunter. Whole court ang laban kaya matindi tinding takbuhan to. Sa isang mabilis na galaw, narating agad ni Tri ang ring at nakagawa ng isang tira. SHOOT!

My Best Friend's Girl (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon