Courtship to Friendship

10 1 0
                                    

Ako'y magsisimula kung saan nagsimula ang lahat
Una kitang nakita mas maganda pa sa sikat ng araw
Ikaw na siguro ang babaeng papakasalan ko pag dating ng araw
Iyon na ata ang pinaka masaya kong araw

Ako'y naka tingin sa magaganda mong mga mata
Naramdaman ko ulit kung pano mag mahal
Handa na ba ulit akong masaktan?
Alam kong meron din itong hangganan

Naaalala ko pa nung una kitang chinat sa Facebook
Halos lahat kagatin ko sa sobrang kilig
Ito na ata ang masaya sa lahat ng masaya
Di na kakain maka usap ka lang

Matagal tagal din tayong sa facebook lang nag uusap
Pero dumating yung araw na tinanong kita kung pwede bang manligaw
Ang sabi mo pa noon "Oo pero wag mag eexpect"
Sabi ko sa sarili ko, handa akong maghintay para sayo

Sa wakas may lakas nako ng loob sayo
Unang beses kitang hinatid kasama ang mga kaibigan mo
Halos di ako makasalita, sabi pa nga nila para akong bangkay dahil nanlalamig at di maka imik
Iba talaga ang pakiramdam pag katabi mo na yung taong mahal mo

Mahigit isang buwan din kitang hinahatid
Siguro ang pinaka mahaba na nating paguusap e mga 10 segundo,
Mahal kita pero torpe ako ganun talaga siguro pag seryoso
Sana'y nababasa mo to

Sa wakas nagastos ko na din yung ipon ko
Naibili din kita ng regalo, tanda ko pa necklace yun
Bagay na bagay sayo, feeling ko ako na ang swerte sa lahat, sobrang saya ko pag nakikita kong suot mo
Kaya kahit sobrang mahal, worth it naman e

Malapit nang mag valentines day, haystzxc
Marami nakong na plano, talo ko pa yung surpresa ng mag asawa, balak kitang bilhan ng life size na teddy bear, isang bouquet ng chocolate, at isang liham.
Siguro corny, pero ganun ako e
Sayang lang talaga.

May nakita akong kakaiba sa twitter, pinalitan mo yung name mo ng crush mo
Siyempre lalaki lang ako, kaya nag selos ako
Nag tanong sayo, at eto na nga, pinaliwanag mo
"Oo crush ko pero hanggang dun lang yun"

After nun, feeling ko nasaktan kita kase ikaw may tiwala ka sakin
Naalala ko pa yung time na sinabe mo sakin sa chat na "i trust you"
Pero ako wala manlang tiwala sayo nung time na yun
Sobrang galit ako sa sarili ko nun

At yun na nga nauwi sa pagkakaibigan ang lahat
Na kahit anong pilit ko na ligawan ka
Hanggang kaibigan nalang talaga, pano kaya kung di ako nag selos nung time na yun?
Nanliligaw pa din kaya ako sa kanya?

Siguro oo, pero wala e. 1 linggo ko din siyang iniyakan,
Hindi ko matanggap
Hindi dahil magkaibigan nalang kame
Umiyak ako kase napamahal na kp ng sobra sa kanya, naging sweet naman ako, handa kong isakripisyo sa kanya ang lahat
Pero wala na talaga

Hanggang ngayon umaasa ako, na sana pwede pa
Na sana isang pagkakataon pa
Na sana pagbigyan niyako na patunayan kung gaano ko siya kamahal
Dahil sa lahat ng babaeng minahal ko sa kanya lang ako nagmahal ng ganun

Siguro hanggang dito nalang muna, at sana may pag asa pa,
Mahal kita sana ikaw din mahal mo ako 😞

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short Love Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon