Dear you,Four... five years? Hindi ako sigurado kung gaano na ba katagal simula nung una akong sumulat sayo. Hindi ko rin alam kung ano na naman ang pumasok sa isip ko at sumusulat ako sayo ngayon. Lagi kong sinasabi na, titigil na ako, huli na 'to, but I always end up doing the same thing over again.
It's... crazy.
Siguro kung mababasa mo ito ngayon, magtataka ka kung sino akong sumusulat sayo at bakit ako sumusulat sayo. To be honest, wala naman talaga akong dahilan kung bakit ko 'to ginagawa e. Basta... gusto ko lang. Ito lang kasi yung paraan na alam ko para makausap ka kahit sa sulat lang. Naisusulat ko 'yung mga bagay na gusto kong sabihin sayo, na alam kung hindi ko kayang gawin ng harapan. 'Yun nga lang, hanggang ngayon, wala pa rin akong lakas ng loob para ibigay ang mga sulat na 'to.
Letter 01
Dear You,
Love at first sight. Totoo kaya?
Some people are credulous enough to believe it. Sabi nila, pagdating sa love, walang imposible. Naniniwala naman ako sa kasabihang 'yun pero para sabihing love at first sight? Parang ayokong paniwalaan.
Crush at first sight, perhaps?
Tama, crush lang. Hindi naman siguro masamang magka-crush sayo diba?
Letter 02
Dear You,
Let me explain that crush thingy. Kasi baka kung anong isipin mo sa'kin eh. (If ever na mabasa mo 'to.)
Okay, ganito 'yun... maalala mo 'yung event kahapon sa sports complex? I was there, but not as an athlete 'kay? Bilang member ng school paper namin, kinailangan kong pumunta at makipag-participate sa mga kasama ko para may 'ambag' naman ako kahit papano. Ginawa nga akong taga-picture e!
It was tiring and no-fun at all! Nakakainis, nakakapagod, nakakahilong gawain, as in! Pero siguro nga, it happened for a reason. And if there's one thing that was good about it was... I saw you.
Normal lang naman siguro ang magka-crush diba? Hindi naman siguro masama na humanga ako sayo diba?
Happy crush, that's what they called it. A phase that will eventually fade away overtime. Sabi nila, I was young and naive back then, I didn't know what love is. Hindi ko pa daw alam kung paano magmahal. Ayokong sabihin na mali sila at ako 'yung tama, but I beg to disagree.
It was more than just a happy crush. For me, it was love — my first love.
Okay, point taken. Gwapo ka, cute, maputi, matangkad at may magandang ngiti. Sa madaling salita... pang-boyfriend material ang aura at datingan mo. Nakakahiya mang aminin pero oo, talagang natulala ako sayo nang makita kita. Naramdaman ko at totoo pala 'yung sinasabi nilang, butterflies in your stomach!
Cliché. Corny 'man na pakinggan at sabihin pero, there's something about you that I can't explain.
You were more than just a good-looking teenage guy in a varsity uniform.
Simula 'nun, hindi ka na maalis sa isipan ko. Ah, cringe! Pero totoo. Lagi kitang naiisip at hindi ko alam kung bakit!
Crush lang kita. Iyon ang sinasabi ko sa sarili ko at naniniwala akong mawawala din. Sabi nga sa nabasa ko, ang crush daw sa isang tao, nagla-last lang ng three months.
Maybe for you, I'm nobody.
Iniisip mo siguro na isa lang din ako sa kanila⎯ isa sa sa mga babaeng humahanga sa isang katulad mo. I was just the girl who fell in love with someone who doesn't even know her existence.
BINABASA MO ANG
𝙳𝚎𝚊𝚛, 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝
Short StoryMasarap ang magmahal, mahirap daw ang masaktan. Oo nga, siguro. Ngunit, mas mahirap pa lang magmahal ng palihim lamang. Hindi ko kayang sabihin nang harapan, kaya isinulat ko nalang. Sana ay mabasa mo. And this is my letter for you- my first love...