chapter 35

395 6 3
                                    

Kinabukasan habang hinihintay ko si Jen sa may favorite bench namin sa quadrangle, biglang lumapit sa'kin si Sir Alfred. Hindi naman kami sobrang magkalapit. Aakalain nga nung iba na wala naman kaming ibang pinagku-kwentuhan at walang malisya sa'ming dalawa. Actually sa'kin wala, ewan ko lang sa kanya. Or vice versa?

"Aren't you wondering kung bakit bumalik ako?" he asked casually na parang nagtatanong lang s'ya kapag may oral recitation at wala akong ibang choice kundi sumagot.

"Actually," pagsisimula ko. "No," sabi ko sabay iling pa. Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko, harap at likod. Baka nasa tabi-tabi lang si Ejay. Nakatayo sa harap ko si Sir Alfred at nakaupo naman ako. Hindi naman kami masyadong halata eh.

"Really?" he asked na may kasamang smirk na parang nakakaloko. I love it when he twitch his lips to the side and smile. Damn, so hot.

"Really," I echoed what he said. Pero hindi patanong, pasagot.

"I can see in your eyes that you're curious," sabi n'ya tapos medyo yumuko pa s'ya para silipin yung mata ko nung yumuko ako ng konti. "Curiosity is fine."

"But it also kills the cat," sabi ko sabay grin, sarcastically.

"But you're not a cat. And I won't let it kill you," sabi n'ya. Hello! Gawin bang literal ang meaning nung saying. Duh!

"Whatever, "sabi ko ng pabulong.

"You missed me? 'Cause I missed you," sabi n'ya na nakapagpataas ng kilay ko. He straightened his position.

"Sir, kung hindi ka pa nadadala, ako nadala na," sabi ko tapos yumuko ako ulit. Hindi ko na nakita kung anong naging reaction n'ya.

"You can break up with him and come with me kung nagi-guilty ka na," sabi n'ya. Wow, ang mga suggestions ah. Astig.

"Why will I do that?" I asked.

"Para hindi na madagdagan yung guilt na nararamdaman mo. Come with me," sabi n'ya. Naka-smirk na naman s'ya. Inaaya ba ko nitong magtanan?

"I felt bad whenever I hurt him. So this time I swear na hindi na ulit mauulit yung mga nangyari sa'tin. I will never ever break that promise," I said while looking at him straight in the eyes.

"Baby," sabi n'ya, pabulong. "You're not yet married. Makukuha pa kita. Promises are made to be broken, remember?"

I laughed dryly. "Wala nang makakapagpahiwalay pa sa'min," I said, umiiling pa ko. "Not even you."

"You sure about that?" he asked. Sa tingin ko nabuhay na naman ang pagka-adventurous nito ni Sir. He thinks na parang hinahamon ko s'ya sa sinabi ko.

"I'm sure about that," I said, smiling. And nodding.

"We'll see," sabi n'ya tapos ngumiti s'yang labas ngipin. Nice set of teeth, I mused. "Gotta go," sabi pa n'ya and wink.

"Tama. Umalis ka na. Wag ka nang bumalik," sabi kong pabulong as I crossed my ankles while sitting. Tagal ni Jen ah.

------------

Pagkatapos naming tumambay ni Jen sa quadrangle, pinauna ko na s'yang pumasok sa classroom. Magpapa-late ako sa klase ni Sir. Tignan natin kung anong reaction n'ya. Tsaka sa likod naman ako nakaupo eh. So, siguro naman pagpasok ko hindi n'ya na ko mapapansin.

After fifteen minutes, nagdecide na kong pumasok sa room. Sa likod na pinto ako dumaan.

Pagkaupo ko, hinanap ko si Jen. Ba't wala? Tama naman tong classroom na napasukan ko ah?

Nasa labas si Sir, may kausap na kaco-faculty n'ya. Nakita n'ya kong pumasok so wasak na wasak ang plano ko.

"Excuse me. Nasaan si Jen?" tanong ko dun sa classmate ko na nakaupo sa upuan ni Jen.

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon