Chapter 1

276 33 70
                                    

I watched my family fall in despair. My father was always in great debt. Lagi silang nag-aaway ni Mama nang dahil sa pangungutang nito noon. Hindi ko mawari kung saan niya ginagamit lahat ng perang inuutang niya, when in fact, wala naman siyang ibinibigay na pera. He always comes home empty-handed.

The day my father died, the debts became the responsibility of the whole family. Imbes na masolusyunan namin ang paghihirap ay mas lalo pa kaming nabaon nang dahil dito. Kinailangan ni Mama na manghiram ng pera sa iba. Halos hindi na nga kami makagalaw sa loob ng bahay nang hindi kami sinisingil ng mga pinagkakautangan namin.

Ang ending, we borrowed a great amount of money from others to pay off my father's debt. Walang nagbago. Umikot lang. Parang in-extend lang ang deadline ng mga utang namin. I was fine with it at first. Kasi hindi pa naman kami nahahabol ng deadline ng mga bayarin... but not until I saw my mother crying alone. She wasn't the kind of woman you'd think would hide to cry. I didn't even have any idea that she was suffering all this time, alone.

So the first time it hit me, I immediately came up with a way to help my mom. Naghanap ako ng mga trabaho na pwede kong pasukan, until one of my written works on social media went viral. Mahilig kasi akong magsulat ng mga tula't kwento. Hindi ko naman aakalain na sisikat pala ako sa larangan ng pagsusulat. Hindi ko alam na talento ko pa ang makakatulong sa buhay namin. Maraming nagsasabi na hindi nakabubuhay ang pagsusulat, but in my case, ito pa ang dahilan upang makabangon kami mula sa pagkakadapa.

So far, I have already published some of my works. May mga libro na akong naka-display sa iba't ibang book shops.

"Tia, bumaba ka rito! May naghahanap sa'yo," my mom called out to me. Napa-urong naman ako mula sa pagkakasandal, tinurn-off ang laptop ko, at iginilid ang pluma na kanina ko pa tinititigan bago tumakbo pababa.

"Sino raw po?" ang bungad ko sa aking ina na nakapamewang habang suot-suot ang apron na tinahi pa ng aking kapatid.

"Ate, mukhang manliligaw mo." Napalingon naman ako sa aking kapatid na nang-aasar. Nakaharap ito sa cellphone niya.

Nitong mga nakaraang araw ay napapadalas na ang pagbisita ng mga katrabaho't kaibigan ko, na madalas ay lalaki pa, kaya madalas na rin akong asarin ng magaling kong kapatid.

"Tia!" Bungad ng mga taong kakapasok lang ng bahay namin na siyang pinagbuksanan ni Mama ng pinto. Presko at isa-isang nagsipasukan ang mga ito na tila ba parang nasa sarili nila silang mga tahanan.

"Ano na namang ginagawa niyo rito, aber?"

"Awts. Parang ayaw mo kaming nandito, ah? Tita, oh! Yung panganay niyo po, tinatakwil na kami," nagdadramang pahayag ni Neo habang akap-akap si Rem⁠—umaaktong nasaktan at tumakbo upang magsumbong sa bisig ng kanyang ama.

"Tia, paghandaan mo sila ng meryenda! Halika nga! Samahan mo ako rito't matatapos na rin naman ang niluluto ko." Tiningnan ko naman nang masama ang tatlo na nagsiksikan pa sa isang maliit na sofa, habang ang mga nakatagong ngisi ay nakadesenyo sa kanilang mga pagmumukha.

"Kuya Rem, hihingiin niyo na naman ang signature ni Ate 'no? Dala-dala niyo na naman kasi 'yung libro niya."

"Syempre, mahal rin kaya 'yung signature ng ate mo."

"Hala! Di ba kahapon dala niyo rin 'yang libro niya?"

"Hindi, bago 'to. Special award lang para sa mga fans ng Ate mo."

The Story of the NovelWhere stories live. Discover now