Chapter 2

110 28 23
                                    

"I still don't understand why you keep on doing that to Amira, Kahel," bungad sa'kin ni Jiro. Prente itong umupo sa tabi ko.

"Jiro—" Napatigil ako sa pagsasalita at matamang tiningnan ang mukha niya. Bigla ko na lang kasing tinawag ito na para bang kilala ko siya.

He glanced sideways at me and chuckled before drinking all the water from his plastic bottle. Nilumukos niya ito sa kanyang kanang kamay, at saka ko lamang napansin na pilit niyang pinipigilan ang sarili niya na magwala sa galit, "Wake up, Kahel. What you're risking everything that you have for is not worth it."

Mabilis itong tumayo para lumabas ng kwarto. Bago  pa man ako makapagsalita ay bigla na lang akong nakaramdam ng sakit ng ulo. I feel like there's a tight rope wrapped around my head, waiting for my head to finally explode, and— "it's hurt like hell, damn."

"K-Kahel, are you okay?!" Narinig ko pa ang pagkalampag ng kung anong bagay dahil sa pagmamadali nitong makalapit sa akin. And before I could fall onto the floor, I found myself leaning over him with his hands wrapped around my waist.

"What's happening to you? Sinaktan ka ba nila?!" he asked frantically as he supported me from falling. Unti-unti ring nawawala ang pamimintig  ng kung ano sa ulo ko.

"Those bastards. I shouldn't have just watched them fro—"

"J-Jiro, ayos lang. Nakaramdam lang ako ng pagkahilo. Hindi nila ako sinaktan at saka mukhang kasalanan ko nam—"

Before I could finish speaking, he cut me off and hugged me tightly, "Yes... that's okay."

I was stunned for a moment. Sa hindi malamang dahilan, naramdaman kong may kumirot sa dibdib ko.

"I understand, Kahel. " Tila ba nagising ako't pumasok bigla ang itsura ng mga taong nakapalibot sa akin kanina. They all looked at me as if I were a piece of trash.

"Perhaps this is exactly what this owner's body feels..." wala sa sariling naibulong ko bago pa man mawalan ng lakas ang mga binti ko at tuluyang napapikit.

"Kahel!"

At that moment, I was utterly helpless.

~

It's been a month ever since I awoke to this body. Everything's becoming clearer to me. Pagkatapos ng dalawang araw na wala akong malay, biglang rumehistro sa akin ang lahat ng mga pinagdaanan ni Kahel sa buhay... Ipinaalala nito ang mga detalyeng ako lang din ang gumawa.

It's as if I lived in two bodies.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari sa akin. Sa tuwing gumigising ako at nakikita ko ang sarili sa katawang ito, pakiramdam ko ay nananaginip pa rin ako. Napapadalas na nga rin ang pag-a-absent ko to the point na tumatawag na rin si Mr. Agreich, ang ama ni Kahel at ang ama ko sa mundong ito.

There are some days that I just confine myself inside this room. I cry my heart out. I try to find the meaning behind whatever that is happening to me, and still end up hopeless, sad, and hurting.

A few weeks ago, when everything's just new to me, limang araw akong nagmukmok sa kwarto. May mga pupuntang ilang tauhan para kumustahin ako pero hindi talaga ako nagpatinag. Pagbubuksan ko lang sila ng pinto sa tuwing kukunin ko ang pagkain na inilalapag nila sa harap ng kwarto ko. Noong mga oras na 'yon, pakiramdam ko ay nasa preso ako.

The Story of the NovelWhere stories live. Discover now