Chapter 3

64 26 14
                                    

"Kahel! What happened to you? You had been absent for three days na naman ah?"

"Yes, we thought that you were kicked—"

"Krista!"

"Oh... my bad. Sorry."

Sa totoo lang ay hindi ko na rin pinapakinggan ang mga sinasabi nila. Lumilipad pa rin ang utak ko, lalo pa't alam ko kung ano ang mga maaaring mangyari sa buhay ni Kahel at ng mga taong nakapalibot sa kanya.

"But you know what, Kahel? Since that day happened, Amira and Seven have always been together lately. Parang mas naging close pa sila—" Hindi nito natapos ang sinasabi niya nang tingnan ko siya nang masama.

I'm not jealous. May mga pagkakataon lang talagang nauuna ang instinct at katawan ni Kahel sa pag-re-react. Nagtataka na rin siguro ang mga tao kung bakit ilang araw na akong nananahimik. Usually, 'pag may ganitong mga nangyayari ay nagpaplano na agad si Kahel ng bagong katarantaduhan para paghiwalayin ang dalawa.

But not anymore...

Not now that Kahel's soul is not in this body. Napapasin ko na rin ang pagtataka ng ibang tao. Hindi ko alam kung dapat bang umakto ako na ako si Kahel o sumunod na lang sa daloy ng mga nangyayari. But I have to control this body while my soul is the one residing it.

Because if not, I will be doomed! Me and Kahel, we will both lose.

"Mukhang naka-red flag ang buhay ko ngayon," mahinang bulong ko sa sarili.

"What? Did you say something?" Tumingin naman ako sa ilang babae na nakapalibot sa table ko. I know them from Kahel's memories. Sila yung tumalikod kay Kahel noong oras na kailangan na kailangan ni Kahel ng kaibigan.

"Ha. Two-faced bitches," I mumbled to myself. Hindi ako narinig ng mga ito ngunit napansin kong kumunot ang noo ng babaeng pinakamalapit sa akin.

Hindi ko na lamang sila pinansin at isinalpak sa tainga ang Airpods ko kahit pa wala naman akong balak na magpatugtog ng musika rito. This way, alam ng mga alipores ni Kahel na ayaw nito ng istorbo.

Nang layuan na ako nang mga ito ay kinalikot ko ang mga gamit ni Kahel, one thing that I haven't thought of kahit pa isang buwan na akong nasa katawan niya. I guess I am just so familiar with Kahel's personality kaya't hindi ko naisipang tingnan pa ang maliliit na detalye ng buhay niya. As I rummaged through Kahel's phone, I saw pictures of her playing different instruments. Piano, guitar, ukulele, violin... She is very talented when it comes to music.

There had been a few times that she was forced to play for her parents' events. She was hopeful at first. May mga litratong nakangiti ito habang tumutugtog ng piano, her specialty.

But I know that she also got tired of it. She got tired of hoping that her parents would notice and love her more, after proving that she can, at least, do something to please them and the people around them.

She got tired of being talked about, only when it's for the sake of making the image of her parents look better. She got tired of not feeling the love and affection of her parents, no matter how much she craves for them.

It numbed her.

Pinatay ko kaagad ang cellphone dahil may kung anong kumirot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa katotohanang ako ang gumawa nito kay Kahel, o dahil sadyang tumatagos lang sa akin ang mga nararamdaman ni Kahel ngayong nasa katawan niya ako. Parang pinipiga ang dibdib ko, at kasabay ng rumaragasang emosyon na ito'y nanakit na naman ang ulo ko.

The Story of the NovelWhere stories live. Discover now