chapter eleven

594 20 11
                                    

 " Kairi. Mahal Kita! "

hindi ako makapagsalita. bakit ganito? parang nararamdaman ko ung lungkot sa pagkakayakap nya sa'kin.

" Kairi .. dati pa kitang gusto. first year palang tayo, ikaw na ang crush ko .. hanggang sa dumating sa puntong minahal na kita ng dahil sa mga kwento ko kina mama. Sa bawat pagkilos mo, tumitibok ang puso ko ng mabilis na mabilis .. ilang beses ko ng binalak magtapat pero natotorpe ako. tapos nung workshop, masaya ako kasi nandun ka .. pero nung nakita kong tumititig ka sa kanya .. selos na selos na ako nun. Si Kean pa rin pala ang gusto mo kahit ginawa ko ang lahat para mapansin mo. nagpasya akong pumasok sa banda para mabaling naman sa'kin ung paningin mo pero .. walang nangyari. sya pa rin ang gusto mo. mahal mo ba s'ya? "

hindi ako sumagot.

tumulo ang luha ko pero hindi ko alam kung bakit. :'(

bakit ka naiyak Kairi? anong meron?

bakit parang nasasaktan ako?

parang umiiyak ang puso ko ..

ang sakit ..

bakit? bakit ako nasasaktan?

ang puso ko ..

Aray!

parang pansamantala syang di tumitibok ..

bakit? TT^TT

" bakit nga ba ako nagtatanung? eh ramdam ko naman ung sagot mo. kagabi .. nung umiyak ka kagabi! si Kean pa rin .. si Kean! Pero Kairi PLEASE! bigyan mo naman ako ng pagkakataon para patunayan sa'yo 'tong nararamdaman ko. "

hindi ako sumasagot.

hindi ko maintindihan ang sinasabi nya?

nasasaktan ako ..

bakit?

dahil nakokonsensya na ako?

bakit naman ako makokonsensya?

eh wala naman akong ginawang masama sa kanya.

" kasalanan ko 'to. masyado akong nagpadala sa tibok ng puso ko. hindi kita sinisisi Kairi. Hindi mo kasalanang minahal kita. pero Kairi .. handa akong gawin ang lahat maging akin ka lang! "

naiinis na ako!

seryoso ba sya?

bakit ganyan sya?

lalo lang akong naiyak ..

di ko na alam ang mga nangyayari.

naguguluhan na ako.

" Kairi, tahan na. Promise ko sa'yong di kita iiwan. tutulungan kita sa lahat ng problema mo. kahit pa si Kean lang un, handa akong masaktan para sa mga ngiti mo. gagawin ko ang lahat para mapatahan ka. yayakapin kita kahit wala akong karapatan para angkinin ka. Sana madama mo sa mga kilos ko na palagi lang akong nadito para alagaan ka. ' kasama mo ako ' .. "

hinigpitan pa nya ung yakap nya sa'kin.

" kairi mahal kita. " sa pinakamalambing nyang tinig, binulong nya un.

gabi na ..

naulan pa din ..

pero nasa gitna pa rin kami ng karsada at magkayakap.

hindi ako maka-ibo ..

kahit gusto kong umalis ..

eh parang mas ginusto ng puso kong manatili.

mahal ko na din ba s'ya?

" seryoso ako kairi. mahal na mahal kita. "

ewan ko ..

Fall Back Into my LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon