Chapter 21..

7.3K 206 9
                                    

GENES for HIRE
by....emzalbino
Chapter 21....

.....Rated SPG.....

Hindi pa nakayanan ni Czarinna ang pagiging emosyonal nito kaya naman napaiyak nalang siya habang nakaluhod sa kanyang harapan si Elly at nag aalay ng kanyang pag ibig.

"Czarinna, marry me please!..." muling samo nito sa dalaga na noon ay yumukod ito sa harap ni Elly.

"Yes Elly, I will marry you!.." nakangiti ngunit naglalandas ang mga luha ni Czarinna.

Agad na isinuot ni Elly ang singsing sa daliri ni Czarinna at niyakap niya ito ng mahigpit......"Salamat Czarinna, salamat!.." dahil sa tuwa ni Elly ay hindi na niya namalayan pang muling naglandas ang kanyang mga luha........"Mabubuo narin ang pamilyang matagl ko ng pinangarap! Makakasama na rin kita ata ng ating anak and I will promise na hinding hindi mo pagsisisihan ang ginawa mong pagtanggap sa alok ko sa iyo dahil mamahalin kita ng tunay, hinding hindi kana luluha pa sa piling ko mahal ko" ani Elly saka nito hinagkan ang labi ni Czarinna.

"Thank you Elly at sana ay maging maligaya tayo habang buhay" sagot naman ni Czarinna.

"Gagawin ko lahat ng aking makakaya para laging masaya ang ating pagsasama. Bukas na bukas din ay kakausapin ko ang mga magulang mo at ang mga magulang ko para mapag usapan na ang ating kasal. Hindi na ako makapghintay na makasal tayo para makasama na kita sa araw araw at ang ating anak, kayo ang aking buhay at lakas kaya kung mawawala kayo ay parang namatay narin ako".

"Hindi ko alam ang sasabihin ko sa iyo Elly but I'm happy to marry you and live together with you and our daughter" tanging sabi ni Czarinna at yumakap ito kay Elly na ang ulo nito ay isinandig sa dibdib ng binata.

"I love you Czarinna!.." bulong ni Elly na titig na titig dito.

"I-I love you too Elly!.." noon ay nabigkas na ni Czarinna ang nakatagong damdamin sa kanyang puso para kay Elly.

Naghinang ang kanilang labi, paulit ulit nila itong pinagsanib  na walang kasawa sawa habang magkayakap  ang kanilang mga katawan at dinadama ang bawat tibok ng kanilang mga puso.

Kumain ang dalawa matapos ang emosyonal na proposal ni Elly at ng matapos ang kanilang pagsasalo sa pagkaing inihanda ni Elly ay inilibot ni Elly si Czarinna sa buong bahay nito. Ipinakita niya ang bawat sulok ng kabahayan upang alamin kung nagustihan ni Czarinna ang pagkakayari ng bahay.

"Do you think magugustuhan ni Elizabeth ang magiging kwarto niya?.." tanong ni Elly ng nasa kwarto sila ng kanilang anak.

"I'm sure na magugustuhan niya ito, tamang tama sa kanya ang kulay ng mga kurtina at ang kulay ng wallpaper na idinikit mo sa pader. She likes hello kitty so much at halos pinuno mo na ang shelves ng mga manika niya" nakangiting sagot ni Czarinna.

"Gusto ko lang makabawi sa inyong dalawa, ang tagal ng panahon na nagkalayo tayo kaya pabayaan mo na akong sulitin ko ang paglalambing sa inyong dalawa" sagot naman ni Elly saka nito iniyakap ang kamay niya sa may bewang ni Czarinna.

"Alam ko naman iyon eh, pero wag mo masyadong i spoiled si Elizabeth dahil baka mamihasa ang anak natin" may pag aalalang wika ni Czarinna.

"Nope!.. At alam kong masunurin naman siya pero may pagka selosa lang ng kaunti" natatawang sabi ni Elly dahil naalala nito ang ginawa sa mga chocolates na para sana kay Czarinna ay kinain nitong lahat.

"Tawang tawa nga ako sa sinabi niya about the flowers kaya dapat mo siyang bilhan dahil kung hindi ay magtatampo talaga iyon".. ani Czarinna at napasinghap ng hagkan ni Elly ang batok nito.

GENES for HIRE......by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon