August 2015 may nakilala akong lalaki. Nakilala ko sya sa chat pero schoolmate kami. Mabait, pogi, thoughtful, torpe etc. Ayos naman kami at umamin sya na may gusto sya sakin. Every time na pupunta syang room lagi syang may kasama. At dahil sa torpe sya kapag may sasabihin sya sakin doon nya pinapasabi sa kasama nya yung gusto nyang sabihin sakin.
Pero isang araw chinat ako ng kaibigan nya na. "Hindi ka nya sineseryoso. May iba syang gusto. At dahil ayaw kitang masaktan kaya ko sinasabi to sayo." Nasaktan ako nung nabasa ko yang mga salitang yan. Sa totoo lang gusto ko kasi sa taong torpe. Kasi bakit ba natotorpe ang isang tao diba? Kasi may gusto sya don sa taong kinatotorpehan nya. Pero nagkamali ako, nagtorpe torpehan sya para makapagtago ng mga bagay na makakasama pa. Na niloloko nya na pala ako.
Malaki ang pasasalamat ko sa kaibigan nya kundi siguro hanggang ngayon niloloko nya parin ako. Naging magkaibigan kaming dalwa, naging close. May nililigawan sya non pero nagkakalabuan sila. Syempre dahil sa tinulungan nya ko noon. Tinulungan ko din sya. Ang sitwasyon nya kasi may nililigawan sya pero ang nililigawan nya may boyfriend. Ano bang dapat kong I advice diba dapat iwan nya na? Kasi pinagmumuka lang syang tanga.
Pero alam mo ba ang sinabi nya lang? HINDING HINDI KO SYA IIWAN KASI AYON YUNG PANGAKO KO SAKANYA. Ang swerte lang ni girl kasi may nagmamahal sakanya ng ganon at syempre swerte ko na din kasi may kaibigan akong katulad nya. At dahil kaibigan ko sya hindi nya man sundin advice ko, susuportahan ko nalang sya.
September 2015 nagconfess ako sakanya na may sakit ako sa puso. Nakakatuwa lang kasi nagalala sya ng sobra. Yung ramdam ko talagang nagkecare sya sakin. Kinabukasan nung nagconfess ako sakanya intrams namin well muse ako hahaha. At syempre may parade etc ayon everytime na magkikita kami o magkakasalubong lagi nya kong itatanong "okay ka lang ba?" "May masakit ba sayo?" Sa totoo lang I'm so happy na nakilala ko sya kasi syempre nasaktan ako don sa isa feel ko unwanted ako ganon.
Hapon ng intrams namin sya naman ang nagconfess. Kala ko naman may sakit din sya. Yon pala niconfess sya nararamdaman nya sakin. Gooooooosh! Yung sinasabi kong lalaking sobrang bait na gusto ko sya na may konting hindi man ako gusto sakanya pero nagagawang mapasaya ako may gusto na pala sakin. Kakilig lang kasi ang sinasabi kong swerte ng babaeng mahalin nitong lalaking to ako na pala yung gusto.
At dahil magkaibigan naman kami noon syempre wala ng ilangan samin kapag magkasama kami. One time nakita kaming magkasama nung lalaking nagkagusto sakin na niloko lang ako, nagalit sya na para daw tinraydor sya. Muntik na silang magkasuntukan pero buti nalang hindi ganon yung taong mahal ko. Oo mahal ko na sya. Mabilis man pero mahal ko na sya AGAD AGAD.
Pag magkasama kami ansaya saya ko. Kasi sya yung sa una palang kasundo ko na. Lahat ng trip ko sinasakyan nya. Hatid sundo nya ko. Lagi nadin kaming magkausap sa chat. Mas nakikilala ko na sya. Pero hindi pa ko umaamin na gusto ko sya. Gusto ko muna patagalin.
September 28 2015, birthday nya. Wala e nagmahal sya ng babaeng maeffort. Gumawa ako ng scrap book at doon ko inamin lahat lahat. Doon ko na din inamin na mahal ko sya.
Simula non mas naging close, mag nagkakilala na kami. Wala ng hiya hiya. Sa totoo lang ako kasi yung taong kahit malungkot, Kahit may sakit ako sa puso ako masayahin padin ako. Never akong nalungkot outside kahit malungkot ako sa inside. At kasama sa kalungkutan ko ang nangyare samin dati ng ex ko.
Natatakot ako magmahal, maiwan, paasahin at MASAKTAN. 1yr and 6months kami noon. Buong 1 year ramdam ko naman n mahal talaga naming ang isa't isa pero nung 6 months na, natiklop, nanlamig nawalan ng saya yung relasyon namin dahil niloloko na pala nya ko at ang masakit pa non bestfriend ko pa 😭
Pero ngayon kahit takot akong magmahal, kahit takot akong maiwan, kahit takot na kong masaktan pinili ko paring mahalin ko sya.
November 18 2015 ang pinakamasaya kong araw. Ang nagpropose sya sakin. Hindi propose na maging kami. Propose para official na pwede na syang manligaw. Diba? Ang sweeeeet. He surprised me with a bouquet and ring. A promise ring na wala na talagang iwanan. At noon lang namin nalaman na August 18 2015 pala kami eksaktong nagkakilala non. So parang 3 months na kaming magkakilala.
BINABASA MO ANG
Di Na Natuto
Random"Di na natuto" ay tungkol sa pagmamahalan. Pagmamahalang wagas sa umpisa, pagmamahalang totoo sa umpisa, pagmamahalang tapat sa umpisa, pagmamahalang walang kapantay. Pero bakit ang negative nung title diba? Basahin nyo ang ito kasi true story to ok...