Day 1

24 6 1
                                    

DAY1:

Siksikan dito sa may sakayan ng jeep. Napilitan akong sumakay nalang ng jeep kase wala nang bus sa mga oras na 'to. Since elementary, ngayung second year college na 'ko ulit makakasakay ng jeep. At sobrang late na 'ko. Grabe ang iyak ko kagabe, dahil sa crush ko since elementary na girlfriend na pala ang pinsan ko. Ang saklap diba? Lahat na yata nasubukan ko nang gawin para maging close kami ni crush, at nung naging close na kami.. hanggang dun lang talaga. Kahit ang daming gwapong lalaking dumaan sa buhay ko, pero dumaan lang sila ah, di ko pinansin kase focus na focus ako sakanya. Mala-apple of my eye kung baga. Pero okay lang, magmo-move on ako. Kaya ko 'to. Tsaka iiyak lang ako once, pero di makikita ng ibang tao na nasasaktan ako. Di naman kase masamang umiyak, lalo na't sobrang sakit na. Pero alam kong controlin ang sarili ko. Feel ko talaga kase nanaginip ako kagabi na pagtingin ko sa sky, may isang lalaking naka-shirt ng green na may panda sa gitna tapos may dalang sun flower at pepero, at papalapit sya sa'kin.. Paborito ko lahat yun. Kaya lang, walang mukha.. Di bale, mayroon ding lalake na dadating, di ako papabayaan ni Papa GOD. Mahal ako nun at di ako susukuan nun. May darating talagang prince charming para sa'in, kahit di man yung sa panaginip ko, alam kong may darating talaga pa sa'kin. Kahit walang forever. Haha.

At nandito na din ang jeep, pero di ako nakasakay kase puno na agad. At least, mga 5 nalang yata kaming natira.

Sakto, wala pang isang minuto may jeep nang sumunod. Pina-una ko yung mga nakakatanda, mabait ako kase.

Pagka-upo ko, nakaharap ko si James Dean. De jk. Ang gwapo, atii! Mapupungay na mga mata, rosy cheeks and lips at juice ko! Ang pointed nang nuss! Di naman ako sanay na mag-describe ng tao, di naman kase ako makata-type. Pero ang lalaking ituu, nakakabakla sa kapogi-an!

Pero behave ka, Jill! Wala kang chance dyan, 'day! Behave ka, keep your cool. Ngayon mo lang yan makikita, okay? Kase walang forever, panandali-ang kaligayahan lang. Haha. Pero kahit sandali lang, eenjoyin ko muna ang view.

After ng about 15 mins, bumaba na si koya pogi. See? Wala talagang forever kase bumaba na sya. After 3 mins naman, ako ang bumaba.

Jeepney; One Week Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon