XXXIII. Midnight

1.1K 50 0
                                    






Prince Yonard Greffin






It's already 10 pm and 2 hours left before the christmas eve. All my aunt's and tito's, cousins and nephews are now preparing. Dumating rin kanina ang mama ni Vanessa. I meet her and she looks good and kind, kaya no doubt why my mom pick her as her friend.





"Prince, aren't you going to prepare your gifts?" tanong ni Lola ng dinaanan niya dahil nagche-check siya sa amin isa-isa. I smiled and scratch the back of my head.





"Maybe later, grandma." sagot ko. Tumango naman siya sa 'kin at ngumiti bago siya pumunta kay mommy.





Umupo ako at kinuha ang cellphone ko. Kanina nung message ni Franzine ay bigla nalang nawala, siguro dinelete niya di ko tuloy nabasa kung ano 'yun.





"Yonard, what are you doing? Where's your gift?" tanong ni Van at umupo sa tabi ko.





"It's in the car, I'll just get it later." sagot ko sa kanya. Tumango-tango naman siya.





"Are you okay? Mukang di ka masaya?" tanong niya muli. I smiled a little before I answered.





"I'm fine. I just-- I forget something." sagot ko. Magsasalita na naman sana si Van ng tinawag siya ng isa kong lalaking pinsan si Andy, 'yung kambal ni Mandy.




I think I just miss some-- someone.





---





Franzine Guillar




Nandito ako ngayon sa bahay kasama sina Hazel, Aling Pacing at si Mama.




"Zi, yung regalo ko huh?" sabi ni Hazel.





"Tss. Ayoko nga." sagot ko at pumasok sa kwarto ko.




Ang totoo niyan, may regalo talaga ako para sa kanila kay Mama, Aling Pacing, Hazel, Jam at kay Nerd.





"Magugustuhan niya kaya 'to?" tanong ko sa sarili. Napaismid naman ako dahil sa tanong ko.





Subukan niya lang di magustuhan, di ko na siya bibigyan ulit—teka? Ba't ko naman siya bibigyan ulit?




Hinanda ko nalang ang mga regalo ko sa kanila. Napabuntong hininga ako at kinuha ang dalawang pinakamaliit na regalo.





Ito sana ang ireregalo ko kay Ate at Papa.




Lumabas nalang ako ng kwarto ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko si Nerd. Oo, si Nerd. Nandito siya, ngayon sa harapan ko.





"Nerd.." mahinang sambit ko. Hinintay ko na may gawin siya na makakapagsabi sa 'kin na nandito talaga siya.




Ngumiti siya at dahan-dahang lumapit sa 'kin. Nanatili parin sa kanya ang tingin ko. Nasa harapan ko siya ng bigla kong marinig ang malakas na pagbilang ng kapitbahay ko at pati narin si Hazel.






"10...........9...........8........7.........6.......5.........4........3..........2..................1! MERRY CHRISTMAS!" malakas nilang sigaw pero isa lang ang narinig ko.






"Merry Christmas, Franzine." nakangiting sambit ni Nerd. Pinigilan kong ipakita sa kanya na masaya ako pero di ko kaya dahil napangiti ako.





Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon