Rhiana POV"Ready na ba ang lahat??" Tanong ni Chris sa mga volunteers ng Org.
"Opo Sir, pwede na po tayong umalis." Sabi ng isa.
"That's good, atleast mas mapapaaga ang punta natin dun."
This is the first day our the Org's event. Pumili kami ng isang Orphanage na tutulungan and also to give them happines through physical presence and communication towards them.
"Rhin sa akin ka ba sasakay or sa van?" Tanong sakin ni Chris.
"Uhm sa van na lang siguro Chris kasi diba may pupuntahan ka pa." I said.
"Okay, pero sa tingin ko hindi yun ang dahilan mo." Pagbibiro niya sakin at ngumiti na parang baliw.
"Tse! Umalis ka na nga lang, ako ng bahala sa lahat." Taboy ko sakanya.
"Okay fine. Basta susunod ako dun." Sabi niya at umalis na.
Sumakay naman na ako sa loob ng van dahil ako na lang ang hinihintay. Meron pang isa't kalahating oras na byahe bago kami makarating sa St. Reese Orphange sa Bayan ng Calinog.
Habang nasa byahe napansin ko sa salamin na hinihinas ni Raine ang ulo niya. Nasa back kasi siya nakaupo habang ako naman nasa tabi ng driver. Kaninang umaga sa hotel ko pa nga siya nakikitang wala sa mood eh.Agad kong kinuha ang medicine kit ko sa bag at binigay sakanya ang gamot. Nung una ay nagtaka siya sakin.
"Para mawala ang sakit ng ulo mo." Sabi ko na lang.
Kinuha niya naman ito atsaka ininom. Binigyan ko din siya ng tubig.
"Salamat." Simpleng sabi niya.
Nang makarating kami sa Orphanage ay agad kaming sinalubong ng mga Madre na nakatira doon.
"Magandang umaga oo mga sisters, kami po yung Org na magdodonate sainyo." Bati ko sakanila.
"Maganda umaga din sa inyo. Ngayon pa lamang ay malaki na ang pasasalamat ko sa inyo. Sige pasok kayo sa loob." Sabi ng isang madre.
Si Sister Martha at Sister Ana pala ang nag aalaga sa mga bata dito. Halos sampung taon na din nilang ginagawa ito at sobrang napamahal na sakanila ang mga bata dito.
"Mga bata meron tayong bisita ngayon, anong sasabihin niyo?" Sr. Ana.
"Maganda umaga po." Sabay nilang sabi.
Halos merong 30 na mga bata ang bumubuo sa Orphanage. Karamihan sakanila ay palaboy noon sa city o kaya naman ay minaltrato o inabandona ng mga magulang.
"Hello sa inyo, ako si Ate Rhian at may mga kasama ako ngayon para magbigay sa inyo ng mga laruan." Sabi ko na ikinatuwa naman nila.
"Yehey!!!"
Hinati hati naming pito ang mga bata at mga gagawin. Gusto kasi namin na magkaroon ng madaming bonding experience sa kanila. Dahil alam naming gusto fin nilang maranasan na makisalamuha sa mga ibang tao.
"Ate ano pong pangalan niyo?" Tanong sakin ng isang cute na batang babae. Siguro'y 4 years old na siya.
"Ako si Ate Rhian. Ikaw anong pangalan mo baby girl?"
"Kara po ate. Ang ganda mo po."
Napatawa naman ako sa sinabi niya at binuhat siya. Namiss ko tuloy ang mga pamangkin ko.
"Ate! Ate laro po tayo!!" Biglang sabi ng mga bata na lumapit sakin.
"Sige ba, saan niyo gustong maglaro?" Tanong ko.
"Doon po ate, kasama si Kuya magbasketball." Sabi nung isang batang lalaki at agad nila akong hinila papunta sa basketball court..
Nakita ko roon si Raine kasama ang ibang mga bata na naglalaro ng basketball. Ilang taon na din nung huli ko siyang nakitang maglaro. Siguradong magaling parin siya sa larangang ito.
Napaupo naman ako sa gilid ng court kasama ang ibang mga bata. Kinandong ko si Kara sa hita ko habang nanonood ng laro ng mga bata.
Hindi ako nagkamali. Parehong pareho ang Raine na noon sa ngayon pagdating sa loob ng court. Bukod sa napakagaling niya parin ay hindi rin maitatago ang karisma na. Masaya lang kaming nanunuod nang biglang lumapit sakkn ang isang batang lalaki.
"Ate tara po sali kayo." Sabi niya.
Hindi na ako nakapagsalita pa nang agad niya akong hinila sa loob ng court.
"Kuya kuya! Sali daw si Ate." Sabi nung bata.
Kumunot naman ang noo ni Raine. Paano namang hindi eh alam niyang hindi ako marunong.
"Naku hindi! Ah eh hindi kasi ako naglalaro ng basketball." Sabi ko.
"Okay lang po yun ate, tuturuan ka ni Kuya." Sabi niya at bigla ba naman akong tinulak. Langyang bata to ah! Mabuti ay nasalo ako ni Raine.
Pero kasabay ng pagsalo niya sakin ang matinding bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko kasali ako sa isang marathon sa sobrang bilis.
"Ahm..." agad akong napatuwid ng tayo.
"Pagbigyan mo na ang mga bata, minsan lang naman eh." Sabi ni Raine.
"Eh hindi nga ako marunong, baka mamaya madapa lang ako."
Napatawa naman siya. Sige tumawa ka lang! Porket magaling siya eh pagtatawanan na ko! Hmp!
"Edi pagnadapa ka sasaluhin kita." tawa pa niya.
"Talaga, sasaluhin mo ko?" Seryoso kong sabi. Napatingin naman siya at nakipatagisan ng tingin sakin.
"Uyyy si Kuya and Ate ang sweet." Agad akong napaiwas ng tingin at pumunta na lang ulit sa upuan.
Ewan ko ba kung bakit ko yun nasabi. Pinapaasa ko nanaman ang sarili ko eh! Hindi na ko nadala!
"Maraming salamat ulit mga anak. Sana ay makabalik ulit kayo dito." Sabi samin ni Sister habang hinahatid sa labas ng orphanage.
"Wag po kayong mag alala sister babalik po kami." Sabi ko.
"Alam mo ijah ang swerte ng boyfriend mo sayo, ang bait mo na ang ganda mo pa. Haha." Sabi ni Sister.
"Naku sister w-wala po akong boyfriend." Tanggi ko.
"Ay ganun ba? Akala ko kasi boyfriend mo itong binatilyong to eh. Bagay pa naman kayo." Sabi ni Sister at tumingin sa likuran ko.
Doon ko lamang napagtanto na nasa likuran ko pala si Raine. Bahagya akong pinamulahan kaya agad akong umiwas.
"Ah eh, sige po sister mauuna na po kami. Salamat po ulit!" Paalam ko sakanila.
"Sige, mag iingat kayo sa daan. Patnubayan sana kayo ng panginoon." Huling sabi ni Sister atsaka kami umalis.
Pagod ang lahat kaya natulog sila sa byahe pero ako nanatiling gising. Hindi naman kasi ako inaantok. Nagbigla na lang ako nang may dumikit sa tenga ko at bumulong.
"Oo Rhian, sasaluhin kita."
BINABASA MO ANG
Back For You (TLG Book 2)
Roman pour AdolescentsAlam kong malaki ang naging kasalanan ko. Ive been stupid and selfish. Siguro dahil mas pinili ko ang pangarap ko at iniwan siya. Everything was perfect back then, likae a fairytale. But i didnt thought that it ended so soon. At ngayon na bumalik a...