Nawala ang ngiti sa labi ko nang makapasok na ko sa unit nya. Kakaibang William ang sumalubong sa akin, magulo ang buhok nya, may luha sa mga mata at amoy alak.
Amoy na amoy ko ang alak dahil sinalubong nya ko yakap, an embrace that seemed like eternity. I'm confused. What's happening to him?
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Pinunasan ko ang luha nya gamit ang mga daliri ko. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Iba ang pakiramdam ko dito. Pakiramdam ko may pinagdadaanan sya na hindi pa nya masabi sa akin.
Kung ano man yun, handa naman akong makinig.
"William, why? What's wrong?"
Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil niyakap nya lang ako ulit. Ramdam ko ang pagtulo ng luha nya sa balikat ko. Hinayaan ko lang syang umiyak habang magkayakap kami.
"Whatever it is that is bothering you, know that I am here for you okay? Kumain na muna tayo? Gutom na ko. Ramdam ko na yung small intestine ko eating my large intestine. Tapos pahinga ka na. I'll take care of cleaning your place." Sabi ko sa kanya habang pinupunas ang mga luha sa mata nya.
Ngayon lang ako ulit nakakita ng lalaking umiiyak. Hindi ko inasahan na makikita sya sa ganitong pagkakataon. Ang masakit pa dito wala akong magawa para sa kanya dahil hindi ko rin maintindihan kung bakit nagkaka-ganito sya. Maybe because hindi pa sya handang sabihin ito sa akin. Pero kung ano man yun, nandito lang ako para sa knya. Andito lang ako palagi dahil mahal ko sya at ayokong nakikita sya ng ganito.
Oo mahal ko sya. Hanggang kailan pa ba ko magpapanggap? Hanggang kailan ko itatanggi sa sarili ko ang tunay kong nararamdaman?
I don't know if this is the right time na sabihin ko sa knya ang nararamdaman ko pero ang importante alam ko sa sarili ko ang nararamdaman ko para sa kanya.
...
After we had our lunch, nanunuod lang kami ng soccer games but unlike before na maingay at puno ng excitement, ngayon tahimik lang siya.
Ano bang nangyayari sa knya? Nagaalala na ko kaya linakasan ko na ang loob kong magtanong.
"Will? What is it? Please, sabihin mo sa akin kung anong nangyayari? Nagaalala na ko." Sabi ko sa knya na naluluha na. Tinignan nya lang ako at hindi sya sumagot.
"William? Please. Naninibago ako sayo, nasan na yung William na madaldal? Yung sinasabi ang gusto nyang sabihin? Yung sinasabi nya kapag nagseselos na sya? Bakit ka nagkakaganyan ngayon? William, you can tell me everything."
"Fix yourself, we'll go somewhere else." Walang emosyon nyang sabi at tumayo na sya.
"I am so confused right now! Kanina habang kausap kita sa phone you were this excited! You told me you love me! And i was happy, William every time you tell me you love me I feel blessed cause i never thought that there will be someone na magsasabi sa akin at magpaparamdam sa akin nun. William, I love you. At nasasaktan akong nakikita kang nagkakaganito ka. Ipaintindi mo sakin kung bakit nangyayari to kasi hindi kita nakikilala ngayon." Sabi ko sa knya at hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko.
"You really do not know me at all because I have not shown the real me yet." Walang gana niyang sagot.
"What are you talking about? Are you just toying about what I feel? What do you mean by that?!" Kinakabahan na ko sa mga sinasabi nya.
"Thats why I told you to fix yourself, we'll go somewhere else..." Sabi nya sa akin in a very serious tone of voice at lalo akong kinabahan dahil lumapit pa sya at sinabing...
"... And get yourself ready to see a different side of my world. The world I used to be in before I met you. And you'll see, if the love you mentioned a while ago stays the same by the time you see how i used to live my life." At umalis na sya sa harapan ko, pero bago siya tuluyang tumalikod nakita ko pa ang pagpatak ng luha sa knyang mata.
Oh God, what is happening right now? Please help me understand William.
...
Naiyak at kinilig ba Kayo dito? Credit goes to MsInvisiblyAnonymous
May bago rin pala siyang kwento, do check it out. At kiligin din. Hahahahaa.And thanks to everyone who is waiting for the update. Don't forget to vote, comment and add this to your reading lists. Cheers!
BINABASA MO ANG
I Found Love at Thirty Two
ChickLitWARNING: Read at Your Own Risk I am 32, single, no boyfriend since birth. At my age, I also have thoughts of falling in love, (I did once but ended not so well) of being loved by someone I love, having a family to call my own. I guess though...