Refreshed Pains

6 1 0
                                    

MABILIS na umalis si ate at naglakad papalayo, naiwan akong nakatanaw sakaniya habang hawak ang aking tiyan. Gusto ko siyang habulin pero may pumipigil saakin.

Si Claude.

  Nakikita ko ang sakit sa mga mata niya at hindi ko kaya! Matalim ang tingin sa akin ni Tita Margareth habang walang kibo si Tito Alfred. Hindi ko na alam kung anong mukha pa ang ihaharap ko sakanilang lahat! Lalo na sa Kuya ni Claude at kay Ate!

Hinabol ko si Ate habang nakikita ko pa siya. Bahala na kahit masampal pa niya ako! Basta kailangan ko mag-sorry!

"Ate.. Ate!" Tawag ko sakaniya habang hinihingal. Ang bilis talaga at malalaki ang mga hakbang niya, kinailangan ko pa tumakbo para lang maabutan ko siya!

  Napatigil ako at napanganga ng nilingon ako ni Ate. Pormal na pormal at kaswal ang mukha niya, pero hindi gaya ng nakakasanayan ng lahat, madilim ang aura nito at matapang, kahit pa hindi ito sumimangot! At ang mga nagbabagang mata ni Ate! Napa-atras ako. Ngayon ko lang nakita si Ate na ganito! Natatakot ako!

"Ano? Akala ko sasama ka na dun?" Ang lamig ng boses ni Ate pero ramdam ko ang pait at talim ng bawat salitang binibitiwan niya. Kung sana'y patalim 'yon, malamang tadtad na ako at naka-bulagta. Ang pinakamamahal kong Ate, ang taong nagmamahal sakin ng totoo. Ano'ng ginawa ko at nakaya ko syang saktan?!

"A-ate.. H-hindi ganoon yun.." Lalapit sana ako ng iharang niya ang kamay niya upang patigilin ang buong sistema ko! Malamig ang mukha niya, pero ang mata niya ay punong-puno ng pait at pagdaramdam. Naiinis ako sa sarili ko! Bakit ba kasi?!

"You know what Caryl?" Umpisa niyang salita na punong-puno ng pagkadismaya kasabay ng malalim na buntong-hininga. "That family of your stupid boyfriend? His Sister? His Mother? His Father? And.." Bahagya siyang natigilan at lumamlam ang mata niya habang tiningala ako. Oh, ang Ate ko! Naninikip ang paghinga ko! Hindi ko kayang makita si Ate na ganito! "His Brother?" Lumunok siya at kinagat ang labi. Sabay ring tumulo ang mga luha sa mata namin. "They are part of my past.." Mapait niyang tugon at malungkot niyang ngiti. Its the first time! Nakita kong malungkot at umiiyak si Ate! Ang strongest person na kilala ko! "And what you did right now is.." Isang crack sa boses ni Ate ang naramdaman ko. Guilting guilty na ako!

Tumalikod siya at ngumiti saakin ng mapait.

"You just Refreshed the pains of yesterday my dear little sis.."

Na-estatwa na ako at hinayaang makalayo siya at humarurot palayo ang sasakyan niya.

Ang laki ng kasalanang nagawa ko! Sa magulang ko! Sa sarili ko! At kay Ate..

Ang tanging taong naniniwala saakin!

Sinaktan ko siya..

Sinaktan ko si Ate..

How come?!

HeartbreakerStories Presents..

Refreshes Pains

   Story is Published and Originated by HeartBreaker404. Characters and Events are fictional, based on Author's naughty imagination only.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Refreshed PainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon