Chapter 6
"Mam Rebecca tara na po lunch break na..,sasabay po ba kayo sa amin ni Mikko.?," sabi ng kanyang sekretarya niya nasi Aia
"Ha, ano yun?,"
"Mam Rebecca.., lunch break na po," pag-uulit ni Mikko ito ang kanyang Asst.manager
"Sige na.., mauna na kayo Aia at Mikko hindi muna ako sa inyo sasabay next time nalang tatapusin ko lang itong papeles,"
"Sige po Mam Rebecca mauna na po kami.,tara na Mikko,"
"Bye Mam," sabi ni Mikko
Tango lang ang kanyang ganti at saka umalis na ang dalawa.
Tumingil muna siya sa kanyang trabaho na ngangalay na ang kanyang katawan..,tumayo siya at kinuha niya ang kanyang bag pagkatapos ay dumiretsyo siya sa may sofa humiga siya at inunat niya ang binti at kahit konting minuto ay naka-pagrelax naman ang kanyang katawan.
"Ayaw kong abusuhin ang aking katawan sa pagka-workaholic ko kailangan rin na magpahinga..,mahirap na ang magka-sakit,"sabi niya sa kanyang isip.., hehe parang lang sira ulo :-)
Kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan niya ito...,Pumunta siya sa may app. pagkatapos ini-top niya ang Facegram at nag -login siya itina-type niya ang email- Rebecca_12@yahoo.com at ang password-****** ilang sandali na pag lo-loading ay nasa news feed siya at nagla-like ng page ng Yo Amo Zapatos mahilig syang maglike basta sa mga sapatos karamihan dito siya bumibili ng kanyang high heels dahil sobrang ganda.., sa Chalanee heels naman siya bumibuli ng boots.Ng uli pag-titingin sa newfeed ay may nabasa siya...,
Bakit ako nag-stay?
1. Kahit ilang beses mo nang pinatunayan sa akin na dapat kitang iwan,hindi ako umalis.Umaasa kasi akong baka pagod ka lang o may mga nasabi kang masasakit.
2. Siguro dahil pakiramdam ko, kailangan mo ako. Ganun naman sa pag mamahal eh. Tulungan,Kampihan. Ako kakampi mo diba? Kaya lang hindi kita iiwanan.
3. Baka hindi uso sa akin ang mapagod.., Na kahit ilang beses mo nang pinaramdam sa akin na parang hindi tayo para sa isa,t-isa, yayakapin ako at bubulong ng "Sorry kanina. Mahal na mahal kita. Alam mo yun."
4. Marahil ako yung tipo ng taong mas mahal kita kaysa sa mas mahal ko ang sarili ko. Sasabihin ng iba, katangahan yun pero sa totoo lang , ikaw ang lakas ko. Masaya akong minamahal kita kahit minsan, ang sakit na.
5. Baka natatakot lang ako. Natatakot ako na mawala ka sa akin kaya ayokong umalis. Umaasa ako na pwede pang magbago. Umaasa ako na pwede pang maayos ang lahat. Natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita...,
Sana ganun ka rin sa akin..
Nagbasa siya ng mga comment
Comment- Talaga bang ganun ang pag-ibig na kailangan mong magpaka-martir dahil mahal mo siya?.. Ako kasi hindi pa ako nagkaka-boyfriend.
Comment- "Ganoon naman talaga kapag nagmamahal, 'di ba mga girl? Kailangan mong mag-take ng risk,mag-sacrifice,isuko ang pride kung kinakailangan." Kasi ganun ako magmahal..
Nagbasa pa siya ng isa pang comment.
Comment - Payo ko lang bilang lalaki ha.. "Huwag mong pakawalan ang taong mahal mo dahil kapag nakita at naramdaman niya sa ibang tao ang hinahanap niya,baka tuluyan na siyang mawa-wala sa 'yo."