Chapter 17

2.4K 62 9
                                    

Habang nasa bahay si Elaine, naging busy ito sa pagtulong sa kanyang nanay sa kanilang bahay at sa pag-aalaga ng kanilang ama.  Siya ang madalas na namamalengke, nagluluto, naglalaba at namamalantsa.  Samantalang ang kanyang ina ang nagpapaligo at naglilinis ng silid ng kanyang ama.



Tinutulungan niya din ang kanyan ina sa negosyo nito.  Gumagawa sila ng ube halaya at leche flan na kanila naman ipinagbebenta naman nila sa kanilang mga kabitbahay at mga kaibigan.



Kasama niya ang ate niya sa kusina.  Nakaupo ito sa may kitchen counter.  Habang nagluluto ng ubeng halaya, naisip niya si Sam.  Gustong gusto niya ang niluto niyang ube. Napangiti lang siya habang naghahalo ng ube.  Paghawak niya sa tainga ng kawali nakalimutan niyang pot holder.



“Aray!”  Sigaw niya.



“Ay si Elaine, lumilipat ang isip.  Sino ba yan, Elaine.  Sige number 2.”  Nagtataka sa sinabi ng kanyang ate.



“Anong number 5?”



“A...B!  Letter B.  Yihee Elaine..”



“Anong letter B?”



“Letter B ang pangalang ng taong umiiisip sa’yo.”



“B?  Wala akong kakilalang may pangalang nagsisimula sa B.”



“Mayroon kaya si Bespren Sam mo.  Yihee! Di ba perslab mo yun?  Tagyawat sa ilong... pati na sa pisngi...Sa kaiisip sa’yo, tagyawat dumadami...” Kanta ng ate niya sa kanya.



“Hindi ah.  Hindi kaya, ate.”



“Naku, hindi daw, eh noong malaman mo kaya na sila na noon ni Diana, umiiyak ka noon.  Nakatalikod ka sa akin at humihikbi ka.  Naku, Elaine, magtigil ka.  Ano Elaine, love mo pa din ba siya? Yihee...”  Tukso ng ate niya.



“Pwede na siguro ito.  Papalamigin ko muna.”



“Uy, iniiba ang usapan.”  Sabi ng kapatid niya at nagring ang kanilang telepono.  Pumunta ang ate niya sa sala upang sagutin ang telepono.



“Elaine, phone si Bespren.”  Namula siya nang marinig yun.  She longed to hear him.  Pagpunta niya sa may telepono, nakita niyang nangisi ang kanyang ate at kinikilig.



“Hello?”  Sabi niya.  Tinutusok ng ate niya ang tagiliran niya.  Sobra din ang pagkabog ng dibdib niya sa kilig.



[H-Hello, Ellaine?  Kumusta?]  Hindi malaman ni Sam ang kanyang mga sasabihin.  Gusto niyang tanungin si Ellaine kung maari silang magdate sa weekend.  Hindi niya alam kung papayag ito.



“Okay lang naman.”



Sacred VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon