Day 2

56 2 0
                                    

Gay's POV

Excuse me lang no..pero sa mga nag dududa...ehem.. babae po ako. Yan lang po yung binigay saking name ng mga magulang ko.

My name is Gay, ano ba yan tunog commercial ni Rain, yung sa shampoo... by the way yun nga Gay talaga pangalan ko. Kung bakit? Aba tanong nyo sa nanay ko.

Today is January 24, 2016, exactly 12 am. Haay.. kahit napagod ako kanina sa concert na pinuntahan namin, hindi ako makatulog. Namamahay ata ako.

Hindi nyo naitatanong, kasi alam kong wala kayong pake, charought, nandito ako ngayon sa Solaire, isa syang mamahaling hotel dito sa manila.

Tiga Cebu kasi kami nung friend ko, si Shenee (Shini basa dyan..hehe) and sya ang dahilan kung bakit kami nandito. Masyado kasi syang fan, or may I say na obsessed sya sa KPOP group na EXO. Lalo na dun sa bi.... bi....bias ba yun, oo bias ata, yung parang pinaka crush nya na member, yun ata ibig sabihin ng bias. So yun nga, lalo na sa bias nyang.....teka ano nga pala name nun? Basta, ang natatandaan ko lang eh malaki tenga nun.

Hindi ko sila kilala, hindi kasi ako fan. Every time na tumatambay ako sa bahay nila pilit nyang pinapakilala yung EXO sakin. Ako naman hirap na hirap i-memorize
lahat yun.

Dose kaya sila, tapos sabi nya may umalis daw na tatlo. Bali syam na lang sila. Grabe kaya yung lungkot ni Shenee nung time na yun. May time pa na nag kulong sya sa kwarto nya.

Balik tayo sa Solaire, so yun, pinakiusapan nya ako na samahan sya dito kasi hindi daw sya papayagan ng daddy nya, which happened to be my ninong, kung mag isa lang sya. Eh sa sadyang rich kid tong kaibigan ko, Sagot na nya plane ticket ko... take note round trip yun, tapos accommodation pa namin dito. Kahit pa sabihin na isang room lang tong gamit namin, mahal pa rin. Tapos pati concert tickets, take note the s... dahil 2 days yung concert, 2 days din kaming aattend. Tumataginting na 53,000 pesos yun, concert tickets pa lang...wooohhhh...

Only child kasi si Shenee, kaya lahat ng gusto, nasusunod. Plus mabait naman kasi sya. Hindi sya yung bratty type.

Enough for the introduction.. So yun nga, VIP seated kami kanina, pero parang standing na din, kasi nakatayo lahat. Kahit hindi ko alam yung mga kanta nila and di ko sila ganon kakilala, I enjoyed their performance. Yung parang madadala ka talaga. Somehow I regret not knowing them. Parang gusto ko tuloy silang kilalanin. Nako pag nalaman to ni Shenee laking tuwa siguro nun.

Argggg!! hindi talaga ako makatulog ang gulo na nang kama ko kakaikot. Samantalang yung nagsabi kanina na feeling nya hindi sya makakatulog kasi na excite sya for day 2 kasi team VIP Floor kami mamaya, ayun naka nga nga na at ang sarap ng tulog.

Dahil nababagot na ako, I decided to go out the room and take a walk. Nag patong na lang ako ng black jacket, naka jogging pants and white shirt lang kasi ako. Kasi nga dapat matutulog na talaga ako. Sinuot ko din yung baon kong rubber shoes.

Nasa seventh floor yung nakuha naming room, dapat sa sixth floor talaga kami na reserve kaso tumawag yung hotel, hala tumawag yung hotel kaloka, and may nagpa reserve daw ng buong sixth floor for an event. Pero may mga freebies namang binigay sa'min kapalit ng paglipat namin ng room.

Sumakay na ko ng elevator para bumaba, pero I got curious kung anong meron sa sixth floor at kailangan kaming ilipat ng floor. Kaya ayun, without hesitations, I pressed the 6 button.

*Ting* Bumukas yung elevator sa may 6th floor, syempre dun ko pinindot. Sumilip muna ako, baka mamaya kasi may something pala dito. Like may illegal na transaction tapos makikita ko tapos hahabulin nila ko. Ganun kasi nakikita ko sa mga pinapanood na action films ng tatay ko sa cable namin eh.

Day 2 (Sehun Fanfic - One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon