ONE-SHOT STORY
THE LETTER
------------------------------------*
Dalawang buwan na din siguro simula nang huli tayong magkita.
Pero ‘yong mga ala-ala nating dal’wa na magkasama ay tila malinaw ko pa ding naaalala sa’king mga gunita.
Masaya ka ba ngayon sa piling niya?
Sana “Oo” ang sagot mo, dahil ‘yon lamang ang hinihiling ko para sa’yo.
Hindi maaalis sa isipan ko ‘yong mga panahong ang saya-saya nating dalawa sa piling ng isa’t-isa, yung tila ba wala tayong problemang dinadala?
Ang mga sandaling ‘yon ay hinding-hindi ko makakalimutan.
Ang mga sandaling hawak-hawak ko ang malambot mong mga kamay,
Ang init ng ‘yong mga yakap sa t’wing maglalapat ang ating mga katawan, ‘yong mga ngiti mong hindi nakakasawang pagmasdan at ang boses mong kay sarap pakinggan.
Araw-araw akong nag darasal sa Maykapal na sana wag dumating ang panahong ito na magkakahiwalay tayo,
Hindi ko talaga kasi kakayanin kapag mawalay ako sa piling mo.
Sabi nga nila; “Walang permanente sa mundo” kaya ngayon naririto tayo at bukas o sa makalawa’y maaaring wala na rin sa mundo.
Pero ang sa’kin lang naman; “Wala mang permanente sa mundo pero ang pagmamahal ko para sa’yo ay mananatili dito sa puso’t isipan ko” kahit pa wala na ako diyan sa tabi mo.
Patawarin mo sana ako sa mga bagay na nagawa ko; ‘yong mga pagkakataong nagiging sanhi upang pagsimulan ng magiging away natin, pasensya ka na ha?
Hindi ko lang kasi matanggap na kakailanganin kitang iwan,
Hindi ba’t ang sabi ko pa nga sa’yo’y “Walang iwanan hanggang sa huli, na tayong dal’wa na at wala pang hahadlang na iba?”
Pero gaya nga ng kasabihan; “Ang mga pangako ay laging napapako.”
Pero ito ang iyong tatandaan; hindi ko ito ginusto at lalong hindi ko ginusto na magkahiwalay tayo.
Magiging madamot ba ‘ko kung sakaling ipapaubaya kita sa kanya?
Siguro magagalit ka sa’kin ng husto ano?
Pero ‘yon na lamang kasi tal’ga ang tanging naiisip kong paraan upang sa gano’y maging Masaya ka kahit na papaano.
Mahal ka din naman niya, higit pa nga siguro sa kaya kong ihandog sa’yo.
“Mahal na mahal ko Siya” ‘yan ang paulit-ulit na sinasabi niya.
Kaya naman hindi na ‘ko nagdalawang-isip pa na ipaubaya ka sa kanya.
Sana maintindihan mo, ayoko lang kasing dumating ‘yong panahon na mangungulila ka sa pag-alis ko.
Alam mo bang hindi ko kakayaning Makita kang nalulungkot? Kaya nga pilit kong ginagawa na pasayahin ka dahil hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ang nalalabi ng buhay ko dito sa mundo.
Bakit ba kasi kailangang ako pa? Bakit kailangan akong mahirapan ng ganito? ‘Yan ang mga katanungang pilit kong hinahanapan ng sagot.
Marami pa tayong mga bagay na dapat gagawin ng magkasama diba?
Hindi ko pa nga din natutupad ‘yong mga pangarap sana nating dal’wa.
Alam kong malabo na rin sigurong mangyari ‘yon,
Marahil kasi sa oras na iyon ay “wala na ako”.
Pero kahit na gano’n pa man tatanggapin ko ito, dahil alam siguro ng Panginoon na naririyan ‘Siya’ sa piling mo. a
Ang kapatid ko.Sana mapasaya ka niya, sana magawa niyo yung mga bagay na hindi natin nagawa ng magkasama.
At sana mahalin mo din siya higit pa sa pagmamahal na ibinigay mo para sa’kin, wag niyong hahayaang malungkot ang isa’t-isa dahil malulungkot din ako sa oras na mangyari ‘yon.
Tandaan mo na sa oras na umuulan ay lumuluha din ako dahil nakikita ko na ang isa sa inyo’y may lungkot sa puso.
Ipangako mong sa oras na makikita mo “Siya”, ang kapatid ko’y hindi mo ako maaalala.
Alisin mo sa isipan mong iisa ang aming mukha, itanim mo sa sarili mong sa t’wing makikita mo siya’y hindi ang pangalan ko ang sasambitin mo.
At parati mo ding iisipin na “Mahal kita” at hindi na ‘yon magbabago.
Hanggang dito na lang din siguro. Ipangako mong sa oras na binabasa mo ito’y wag na wag kang iiyak at sa oras na matapos mong basahin ito, kakalimutan mo, na minsan sa buhay mo’y dumating ang isang katulad ko.
END.
07-26-2013
BINABASA MO ANG
THE LETTER ...
Teen FictionAs you finished reading this letter from me, please forget that once in your life I exist.