First Glimpse

74 0 0
                                    

Kasalukuyan akong nakatingin sa isang pulang rosas. Hindi ko man gustong maalala pero wala na huli na bumalik nalang lahat nakakainis isipin na ang isang rosas kaya kang pasayahin at kaya karing saktan at kayang ipaalala sayo lahat ng mga alala na nagpasaya sayo at nanakit sayo na matagal mo nang kinalimutan.

"Ui!! Fieldtrip na bukas!! Balita ko sasama daw yung anak ni ma'am!! Yung pogi!! Ayii!!".

Badtrip tong wendy na to may patulak-tulak pang nalalaman as if naman may paki ako dun sa anak ni ma'am.

"Ewan ko sayo wala akong paki dun".

Masungit Kong sabi sakanya kainis naman kasi as if naman kasi talaga hindi nga ako napopogian eh.

"Sus! Denial kapa diyan , pero ok lang yan for sure naman kakainin mo yang sinabi mo".

"Asa ka uy!!".

Kainis! Para naman mangyayari yun.

-------

"Ellai hindi kapa ba maghahanda para bukas? aba! Mahiya ka naman kung ako pa".

Heto nanaman tayo sa mga lintaya ni mama.

"Maghahanda na po ma".

"Abah! Mabuti naman, o sya magluluto lang ako".

Ano kayang mangyayari bukas ? Shocks! excited! nadin ako.

------

"Mag-iingat ka dun ellai huwag kang hihiwalay sa teacher mo".

Hay! naku! tong si mama akala mo naman bata pa ako like duh! 14 na ako I can take care of myself.

"Opo ma lagi akong didikit sa mga kasama ko".

First GlimpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon