Timmi's POV
"Alam mo na ang tinutukoy ko little bro. I'm talking about ---"
"Whatever happens, .." napatigil ako sa sinabi nito.
He's got this aura that says, I can be killed but I never lost a battle without giving out a fight.
Binalikan niya ng tingin yung robot toy niya at inumpisahang kalikutin ulit yun.
"I'm gonna do things as planned. You'll help me right?" That time tumingin na siya sa akin straight in my eyes. Those pleading eyes. How can I say no to that?
"Of course." I assured him hanggang sa biglang bumukas ang pintuan.
"Happy Birthday!"
End of POV
Ronnie's POV
We barged in. Para kaming mga tanga habang umaakyat ng hagdanan nila Timmi.
Sabi kasi kami ng sabi na no one makes a noise but almost everyone was giggling and I don't know why! Siguro ay kasama na yun sa mga nangyayari pag may inaanticipate ka. And I'm anticipating that the twins will be surprised when they see us.
"Shhh" Pen points on her lips. The boys nodded pero di talaga mapigilan ni Troy ang kalokohan niya. Panay pa rin ang ngisi nito na nakapagpailing sa akin.
We reached our destination. "On three" Red mouthed. Jerking her fingers and counting down to three.
One.. she mouthed at agad na pinihit ni Jake ang door knob.
"Happy birthday!" We all shouted in unison.
Yung tuwang yuwang atmosphere namin ay agad na napalitan ng pagtataka.
Tulad ng napapanood sa mga pelikula hindi ba dapat gulat ang ekspresyon nung may birthday pag binigyan ng surprise like what we've done?
Halos hindi nga kami lahat magkasya sa pintuan e. Nagmaneuver lang talaga ang guys para maipakita lahat ng dala namin. Troy even had a whistle popper. Yung pag hinipan may lalabas na confetti?
Pero nakakapanibago yung itsura ng kambal. Parang napatingin lang sila sa isang odd na bagay.
"Happy Birthday!" Pag uulit ni Troy habang kagat kagat pa din yung whistle dahil may hawak siya sa magkabilang kamay.
At dun lang parang natauhan si Timmi.
"Guys! Ano to surprise?" Nakangiting tanong ni Timmi habang ginagalugad ng tingin ang mga hawak namin.
"Hindi.. Nakikilamay kami." Sarkastikong sagot ni Troy and that earned him a crisp slap on his nape courtesy of Mervin.
Wow.
"Anyways, akala kasi namin ay magiging boring yung birthday niyo kaya kami andito." Makabuluhang sagot ni Ken.
"Uhm, actually yes." Timmi flashed her sweetest smile. "Tumuloy kaya kayo."
And that came as a signal para magsipasok na kaming lahat. Tigkuha na rin ng pwesto sa couch ni Timmi sa may tapat lang ng kama niya sa gilid ng pinto. Yung iba mas piniling magindian seat sa sahig.
"What do you mean boring? Isn't what's going on outside for your birthday celebration?" Tanong ni Chris.
"Uhm, actually it is. Yun nga lang it's more on a business thing. You know?" Nangibit balikat si Timmi na para bang hindi alintana iyon.
"Don't worry babe, gagawin kong makabuluhan ang birthday mo." I scrunched up my nose nang marinig ang linya ni Troy with matching sampay pa ng kamay sa balikat ni Timmi.