CHAPTER SIXTEEN PART THREE

12 0 0
                                    

KRISTINE'S POV:

Hinawakan ko yung braso ni Wu Chun My Loves kaya lang tinanggal niya yung kamay ko at saka niya ako sinampal ng pagka lakas lakas.



Buong gabing iyak lang ako ng iyak. Napahawak nalang ako sa aking tiyan.
"Anak hindi na tayo mahal ng papa mo.!"-Ako.



"Kristine, pinapatawag ka ni Don Lee. Andun siya sa may library."-Manang Bebeth.



Library:

Naabutan kong nagbabasa ng dyaryo si Don Lee pagkapasok na pagka pasok ko dito sa may Library ng mansion. Nang makita niya ako ay agad siyang tumigil sa pagbabasa at pinaupo niya ako sa upuan na malapit lang sa kanya.



"Pinatawag niyo raw po ako Don Lee."-Ako.
"Oo. Pinatawag kita kasi gusto kong sabihin sa yo na hiwalayan mo na ang Anak ko. At magpakalayo layo ka na rito sa pamamahay namin at higit sa lahat sa mga buhay namin. Wag kang mag alala dahil babayaran naman kita, bibigyan naman kita ng pera para naman may maipantustos ka jan sa magiging Anak mo."-Don Lee.
Nagimbal ako sa mga pinagsasabi sa akin ni Don Lee.
"P-p-pinapalayas niyo po ako?"-Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Oo pinapalayas na kita. Hindi kita gusto para sa Anak ko. Ngayon kung ipagsisiksikan mo pa rin ang sarili mo rito sa pamamahay ko pwes pasensiyahan nalang tayo Miss Macaraeg"-Don Lee.
"Hindi naman ho pera ang habol ko sa Anak ninyo. Magkaka anak na ho kami. Lumaki ho akong walang mga magulang kaya hindi ko ho hahayaan na maranasan din ng magiging anak ko ang bagay na yun. Hindi ho ako aalis dito!"-Matigas kong sabi kay Don Lee sabay tayo. "Siya nga po pala Don Lee sa inyo nalang ho yang pera ninyo. Ipang investment niyo nalang ho yan sa nalulugi niyo pong negosyo"-Pagkasabi ko nun ay lumabas na ako ng Library at dumeretso agad ako sa aking kwarto.



CONDO UNIT:

LIESLY'S POV:

"Liesly pagkakataon na sana yun na malayo yung apo ko kay Wu Chun eh. Bakit naisipan mo pang tulungan siyang makipag ayos kay Wu Chun?"-Lola Gina.
"Eh Lola Gina wala na po kasi akong nagawa eh. At saka naawa naman po kasi ako kay Bestie. Malungkot na nga yung tao lalo ko pa bang palulungkutin yun? Edi na depress naman siya."-Bestie Liesly.



Kinuwento ko kasi kay Lola Gina yung tungkol dun sa LQ nila Kristine at Wu Chun labidabs niya. Sinermunan nga ako ni Lola Gina dahil sa pagkonsinte ko kay Bestie Kristine na kausapin si Wu Chun labidabs niya para naman maliwanagan na siya kung ano ang dahilan nito kung bakit hindi siya nito pinapansin.




"Pero Lola sa tingin mo ba kung malaman ni Wu Chun na si Kristine at si Lin ay iisa, magkaka ayos kaya silang dalawa?"-Bestie Liesly.
"Ewan ko. Pero hindi pwedeng malaman ni Wu Chun na si Kristine ang nawawalang si Lin. Kaya ikaw Liesly itikom mo yang bibig mo. Dahil kung hindi lagot ka sa akin."-Pagbabanta sa akin ni Lola Gina.
"Lola talaga o"-Bestie Liesly.






MANSION:

KRISTINE'S POV:

"Hindi pa rin kayo nagkaka ayos ni Sir GKC?"-Tanong sa akin ni Mary Rose.
Umiling lang ako sa kanya.
"Hay naku, sabi ko naman sayo eh kausapin mo na siya."-Arcelie.
"Sinubukan ko naman siyang kausapin kahapon. Ang kaso lang pinagbintangan niya akong may relasyon kami ni Rain. Ipinakita niya sa akin yung litrato namin ni Rain dun sa park na mukhang edited."-Ako.
"Alam mo yang si Rain. Uupakan ko na talaga yan eh. Masyadong panggulo sa relasyon ninyo ni Sir GKC"-Mary Rose.
"At yan namang si Ella ililibing ko talaga yan ng buhay!"-Naiinis namang sabi ni Arcelie.
"Bakit? Anong problema kina Rain at Ella?"-Senyorita Lea.





Pare pareho kaming natahimik nang marinig namin ang boses na iyon ni Senyorita Lea.
"Tinatanong ko kayo kung ano ang problema kina Rain at Ella?"-Pagpupumilit ni Senyorita Lea.
Nagtuturuan naman yung dalawa kung sino sa kanila ang magsasabi kay Senyorita Lea kung bakit pinag uusapan namin sina Rain At Ella.
"Ako nalang ang magsasabi"-Sabi ko sa dalawa na nakapagpatigil sa kanila.






Garden:

Dinala ako ni Senyorita Lea dito sa may garden ng Mansion.
"So ano nga ang problema kina Rain at Ella?"-Senyorita Lea.
Since mabait naman sa akin si Senyorita Lea at isa siya sa mga kakampi ko rito sa Mansion ay kinuwento ko nalang sa kanya yung status ng relationship namin ng kapatid niyang si Wu Chun My Loves. Yung part na dinala ako Ni Rain sa hospital, Yung pagbubuntis ko, yung pagtatalo namin ni Wu Chun my loves kagabi, hanggang sa pakikipag usap sa akin ni Don Lee na hiwalayan ko si Wu Chun my loves.
"Sinabi ni Dad yun sayo?. Pero bakit?"-Senyorita Lea.
"Siguro dahil po sa mahirap lang ako at mayaman si Wu Chun. Ang layo ng agwat ng pamilya natin. Ayaw siguro ng Daddy ninyo na may masabi sa pamilya ninyo yung mga kapwa ninyo mayayaman."-Ako.
"P-pero hindi naman ganyan ka matapobre ang Daddy namin. Hayaan mo kakausapin ko si Dad. Ipagtatanggol kita sa kanya."-Senyorita Lea.
"Naku Ate Lea wag mo nalang kausapin tungkol dito ang Dad mo."-Ako.
"At bakit naman?"-Senyorita Lea.
"Baka kasi kapag kinausap mo siya tungkol sa sinabi ko sa iyo baka mas lalo lang niya akong ayawan para kay Wu Chun. Mas maganda nalang po na hayaan nalang po natin ang Dad mo na isipin ang gusto niyang isipin sa akin."-Ako.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon