Kabanata V: Crushes

73 1 0
                                    

Gaya ng dati, tambay ulit kami nina Luke at Gina sa student center kinabukasan sa vacant period namin. Habang pinag-uusapan ang susunod naming klase, biglang may isiningit si Luke.

"Di ba kayo nagugutom? Haha. Punta lang akong cafeteria, bibili ng pagkain. Di kasi ako nagbreakfast," sabi nito.

"Ah sige Luke, pabili nga ng chichirya, kahit ano na lang" sagot ko naman, sabay abot ng bente pesos. "Ikaw Gina?" tanong ko naman nang ibinaling ko ang  aking sarili sa kanya.

"Pabili na rin ako ng bottled water Luke" sabi naman niya.

"Sige, hintayin niyo na lang ako rito." At umalis na si Luke, habang naiwan naman kami ni Gina. Inilabas ko ang aking notes sa klaseng pinag-uusapan namin kanina. Habang nagbabasa ako ay kinulit ako ni Gina.

"Psssst."

Hindi ko siya pinansin. Ipinagpatuloy ko pa rin ang pagbabasa.

"Ui bez, may tatanungin sana ako."

"Ano yun bez?" tanong ko naman.

"Tungkol sa pinag-usapan natin nina Melizza kahapon."

"Oh, ano naman ang tungkol dun?"

"Hanggang kaibigan lang ba talaga ang turing mo kay Luke?"

"Makulit ka rin ano, bez? Sabi ngang bestfriend ko yung tao. Hanggang bestfriend lang."

Hindi na nagsalita si Gina. Namagitan ang katahimikan sa aming dalawa.

Maya-maya pa'y ako naman ang nagtanong.

"Bakit mo pala ako kinukulit tungkol doon bez? Huwag mong sabihin na nagdududa ka rin gaya nina Melizza at Dianne."

Hindi niya ako sinagot. Binabasa rin pala niya ang kanyang notes.

"Bez, may kailangan ba akong malaman?" tanong ko. Isinara niya ang kanyang notebook pagkatapos ay tinignan ako. Mata sa mata. May kalaliman ang pagtingin niyang iyon sa akin.

"Bez, may aaminin ako. Pero wag ka magagalit ha?" ani Gina.

"Ano ba yun? At bakit naman ako magagalit?"

"May crush kasi ako kay Luke."

"Tapos? Ano naman ikagagalit ko dun bez?"

"Ewan. Basta, baka magalit ka."

Nginitian ko si Gina. "Ikaw talaga oh. Yun lang ba? Wala naman akong dapat ikagalit dun diba? Eh pareho lang naman tayong kaibigan ni Luke. At saka marami naman talagang magkakacrush sa kanya. Sa itsura at bait ba naman kasi nun," sagot ko naman.

Biglang sumagi sa isip ko ang tanong ni Dianne sa kanya kahapon. "Hoy bez. Kung may crush ka kay Luke, eh ano naman yung drama mo kahapon nung tinanong ka ni Dianne kung nagseselos ka sa amin? Nagsinungaling ka?"

"Yun ba? Hindi ah. Di ako nagsinungaling. May crush ako kay Luke, pero di ko kayo pinagseselosan. Crush lang yun, ikaw naman. Totoo. Hanga ako sa tandem ninyo. Haha. Ang perfect niyo kayang tignang dalawang magkasama. Ako ang number one fan ng love team ninyo!"

Nabigla kaming pareho ni Gina nang may narinig kaming boses. "Love team? Kanino?"

Si Luke pala iyon, nakabalik na siya galing sa cafeteria. Bitbit niya ang mga pinabili namin ni Gina, kasama na rin ng kanyang kakainin. Umupo siya sa tabi ko habang inilapag ang mga binili niya sa aming mesa.

"Wala. May sinabi ba ako?" sagot naman ni Gina sa tanong ni Luke, halatang nagulat sa biglaang pagsulpot ni Luke habang nag-uusap kami.

"Ewan. Parang may narinig kasi ako, pero may kalabuan lang," sabi ni Luke.

"Wala akong sinasabing ganun." Todo deny naman itong si Gina.

"Subukan mo lang banggitin yang sinasabi mong love team namin sa harap mismo ni Luke, siguradong makakatikim ka sa akin bez" sigaw ko naman sa isip ko.

Binuksan ko ang chichiryang ipinabinili ko kay Luke at sinimulan ko nang kumain. Pero ang dalawang bestfriend ko, tila hindi nagkibuan. Nang magsimulang kumain na rin si Luke sinimulan na rin niyang inisin si Gina.

Maya-maya pa'y nagsalita na rin si Gina. "Luke, may crush ako sa iyo." Nabigla ako sa bulgarang pag-amin ni Gina kay Luke. Nginitian lang siya ni Luke. "Pero alam mo, mas bagay kayo ni Pam," dugtong ni Gina. Halos mabilaukan ako nang namutawi sa bibig niya ang mga salitang iyon. Tumingin ako kay Gina at inirapan ko siya.

"Wag ka maniwala diyan" sabi ko naman kay Luke. Nang tinignan ko siya ay may kakaiba sa kanyang ngiti. Hindi ko mawari kung natutuwa siya dahil sa pag-amin ni Gina na crush niya ito, o dahil sa sumunod na binanggit ni bez tungkol sa amin.

"Salamat sa paghanga." Iyon lang ang nagawang sagot ni Luke sa mga pinagsasabi ni Gina.

"Teka teka teka. Di pa ko tapos. Unfair naman diba kung ako lang ang magsasabi kung sino crush ko? Luke, sabihin mo naman sa amin ni Pam kung sino ang crush mo," sambit ni Gina. Tila may kabog sa aking dibdib akong naramdaman sa aking narinig, pero ewan ko kung bakit.

"Sorry Gina pero hindi ikaw ang crush ko, kung ang pangalan mo ang gusto mong banggitin ko" pabirong sagot ni Luke.

"Masakit ba bez?" biro ko rin kay Gina.

"Hindi ko naman inaasahang ako yun eh Luke" sagot niya. "Alam ko may isa diyan na mas nararapat para sa iyo" dugtong pa niya sabay tingin sa akin. "Kung ayaw mo sabihin sa amin kung sino ang crush mo, kahit describe mo na lang siya."

"Wala akong crush" sagot ni Luke. "Kasi higit pa sa crush ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko na yata ang  babaeng iyon. Nagpaparamdam ako sa kanya pero mukhang hindi niya napapansin ang ginagawa ko."

"Ayyyyy!!!!! Kilala ba namin siya?" tanong ni Gina.

"Oo? Siguro. Ewan." Showbiz ang sagot ng mokong.

"Maganda ba siya? Mabait? Maingay bang tulad ko o tahimik tulad ni Pam? Kaklase ba natin?" sunod sunod na tanong ni Gina kay Luke.

"Maganda talaga. Siya ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa tanan ng buhay ko. At napakabait pa. Wala ka nang hahanapin pa sa kanya."

Kilig na kilig si Gina sa mga binanggit na iyon ni Luke. Kilig na kilig habang pinagmamasdan kaming dal'wa ni Luke na magkatabi sa harap niya. Patay malisya naman ako sa mga sagot na iyon ni Luke, pero naiinis ako sa ganoong asal ni Gina.

Alaala ng Unang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon