MAHAL KONG INA.

24 1 0
                                    


Mahirap ang malayo saiyo .

mahirap ang mag-isa lalo at nasanay sa tabi mo

kay hirap ng buhay ko ngayong wala ka sa piling ko

tila nais kong magbalik sa kanlungan mo.


Hinahanap ko ang iyong mga haplos sa aking buhok

Nag sasabing kakayanin ko ang lahat at iyon ang dapat.

Kung sanay di malupit ang tadhanay nais kong kapiling ka

ngunit kailangan para sa pangarap na sa aki'y nais mo.


Mahal kita...Mahal na Mahal kita

Yakap moy nais ko sa tuwina ako'y nalulumbay

yakapin mo ako mahal kong ina

Gawing matatag ang puso kong sinugatan nila.


Kaibigang aking akala, ngunit di pala.

Gusto kong manghina sa mga pagsubok ngunit alam kong nariyan ka

hindi ka lalayo sa puso ko mahal kong ina

tulungan mo akong malimutan sila.


Puso ko'y takot ng magtiwala sa kung sino

pagkat ang sugat ay kaylalim at di masukat nino man

Ganito pala ang sakit na dulot ng taong akala mo'y totoo

Sa huli ang pusong nagmahal ang siyang talo.

-IMMORTAL RARL



PAIN OF BETRAYALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon