09

6 1 0
                                    

Wala siyang pinagbago....ANG GANDA-GANDA PARIN NG VIEW...ANG SARAP SA PAKIRAMDAM NG HANGIN NA SUMASAMPAL SA MUKHA KO.NGAYON NALANG ULIT AKO NAKAKITA NG GANITONG KAGANDANG LUGAR..Napaiyak ako dahil naalala ko yung huling punta namin dito.Masayang masaya kami nun nila mama at papa,pati narin si kuya.Masaya kaming naghahabulan ni kuya noon at bakas sa mga mukha namin ang sobrang pagkatuwa.Miss na miss na kita kuya,miss ko na yung dating tayo,miss ko na yung closeness nating dalawa... :'(

"Baboy ko" tawag ni Mart saakin.
"Oh,bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong niya.

" hehehe wala namiss ko lang dito" nakangiti kong sabi.

"Ikaw talaga,akala ko kung anong nangyari sayo" sabi niya sabay pisil sa ilong ko.

"STUDENTS...MAGPAHINGA MUNA KAYO SA MGA KWARTO NINYO DAHIL ALAM NAMING PAGOD KAYO,HINDI PWEDENG MAGSAMA ANG BABAE AT LALAKI SA ISANG KWARTO.YUNG MGA ACTIVITIES NIYO MAMAYANG HAPON NALANG NATIN GAWIN" mahabang sabi nung isang teacher.

Nagpunta naman kami sa mga sarili naming kwarto.Nakakapagod ang biyahe pero ng makita ko yung ganda ng lugar,nawala bigla ang lahat ng pagod ko.

"Cess,selfie tayo" aya ko sa kanya.

"Sige,doon tayo sa balkonahe para kita yung View sa labas" masaya niyang sabi.

Lumabas kami sa balkonahe at kamangha-mangha talaga ang View na nakikita ko.Nagpicture kami ng nagpicture hanggang sa magsawa kami.

"Ah,Amy puntahan ko lang si Jason,nagtext kasi saakin namiss na daw niya ako" pssh,iiwan na naman ako.

"Sige,bilisan mo ah" lumabas naman siya ng kwarto.Hayss.Mag-isa na naman ako.

Tumunog bigla ang Phone ko kaya tinignan ko kung sino ang nag-text.

From:Monster

Wala akong kasama dito.Samahan mo akong kumain.

Yan yung nakalagay sa text.Pero ano daw kumain?? Kain pala eh kaya pumayag ako.

Sige..saan ba yan??

Dito sa baba ng Building.

Ah ok.nadaanan namin kanina yun eh.Agad naman akong lumabas ng kwarto at nagmamadaling bumaba ng hagdan.Gutom na ako kanina pa eh.Nakita ko naman siya doon sa Isang upuan nag-aantay.

"Umorder ka na?" Masaya kong tanong.

"Sino nagsabi dito tayo kakain?" Punyemas naman oh! Tatakamin pa ata ako nito eh!

The Revenge Of One Fat GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon