Chapter 8
"Take it off... take it off..." Sigaw nung tatlong kumag habang napakagat naman ako sa aking ibabang labi. Napamura muna ako ng mahina bago hawakan ang laylayan ng t-shirt ko.
"Do I really have to?" Nanghihinang tanong ko sa kanila. Tumango lang yung tatlo. Nilipat ko ang tingin ko kay Michael na seryoso lang na nakatingin sa'kin.
"Well, ginawa namin so dapat gawin mo din. Saka may tira ka pa namang suot so anong pinag-aalala mo?" Sabi ni Ailan at tinuro pa ang katawan nyang wala nang saplot ngayon maliban sa brief nya. Ganun din ang sitwasyon JR habang si Marvin naman ay may suot pang damit pero nakaboxer nalang. Si Michael naman topless.
Nagbago na kasi ang patakaran ng laro namin ngayon. Napagkasunduan namin na sa tuwing tatapatan ka ng bibig ng bote, kailangan mong magtanggal ng isa sa mga suot mo sa katawan mo. Ang swerte naman ni Michael dahil sa limang piercing nya sa tenga nya. Meron din syang relong suot at kwintas. Malas naman kaming apat dahil wala kaming gaanong abubut sa katawan. Kaya kahit minsan lang kaming tamaan ng bote, mabilis paring maubos ang suot namin.
At ngayon nga, ako ang sinwerteng tapatan ng bote. At ang mga natitirang suot ko nalang ay boxer at t-shirt. Pagtinagtag ko pa ngayon ang pangtaas ko, boxer nalang ang matitira tulad ni Ailan at JR.
Tinapunan ko muna ng tingin si Michael na parang walang balak na tulungan ako. I clicked my tongue before taking my shirt off. Tinapon ko nalang iyon sa likuran ko ang tshirt kasama ang pants, medyas, sapatos at relos ko at muli umupo. Wala sa sarili sinamaan ko naman ng tingin si Michael na nahuli kong napalunok at nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.
Psh. Hindi ka na makakahingi ng tulong sakin kahit kelan.
"Moment of truth na." Biglang sigaw ni Ailan. "Kung matamaan ang isa samin ni Jr at Carlo kelangan naming tagtagin ang huling saplot namin, ibig sabihin tapos na ang laro. Pag-isa naman kay Michael at Marvin, tutuloy tayo hanggang may mahubaran na dito." Sabi niya pa at tumawa ng malakas.
Napalunok ako sa sobrang kaba.
Wag ako. Please, wag ako. Pikit matang sabi ko sa isip ko nang muling iniikot ni Michael - na ngayon ay taga-ikot namin ng bote - ang bote.
Naigtad ako ng nagsigawan ng malakas 'yung tatlo at narinig ko naman ang tawa ni Michael. Nanatiling nakapikit parin ang mata ko.
Ako ba? Ako ba 'yung natapatan? Anong gagawin ko kung ako nga? Hihingi ba ako ng tulong kay Michael? Tutulungan nya ba ako?
Napasigaw ako ng biglang may tumapik sa pisngi ko. "Hey, what are you doing? The game is over! Let's go to my room." Rinig kong natatawang sabi ni Michael.
Dahan-dahan na iminulat ko ang mga mata ko. Agad sumalubong sakin ay ang nakangiti nyang mukha. Napakaliit ng pagitan ng mga mukha namin at naramdaman ko ang pagtama ng mainit nyang hininga sa mukha. Napigil ko ang paghinga ko nang maalala ko ang mga nangyari kanina. Kung paano naglapat ang mga labi namin, kung paano sya gumalaw at kung paano nya ako hinawakan.
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Nakatitig lang sya sa'kin at ganun din ako sa kanya. Pakiramdam ko tumigil ang buong paligid namin. Tanging presensya lang naming dalawa ang nararamdaman ko. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na pagtibok ng puso dahil sa posisyon namin ni Michael ngayon.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)
RomanceWe're bestfriend and I'm his possession...