Napatingin uli siya sa direksiyon ni Mark, di pa rin nito inaalis ang pagkakatitig sa kanya. Magtitigan na lang ba kaming dalawa? Tanong niya sa sarili.
Mark naman eh, tanong na dali! Hay naku! wag ka nang mambitin kasi di na ako mapakali..
Open your mouth and ask... pleaseeeeeeeeee...?
SA WAKAS! Lumapit din sa kaniya si Mark at nagtanong.
"Herms, ano sabi ni Jannah sayo?" namumungay pa ang mga mata nito ng nagtanong sa kaniya.
Te-teka! Does it mean may love-interest ang mokong na ito sa mukhang palakang Jannah na yun? Kung oo, no way!
"Wa- wala naman siyang sinabi. Hindi ko alam!" sagot niya bago siya
tumakbo papalayo kila Mark at Sir Nick na kapwa clueless sa mga nangyayari."Walang kwentang mga sign! Walang kwentang horoscope! Dapat si Mark lang ang nagtanong pero bakit si Sir Nick nagtanong din? Saka, lokong Mark yun! Don't tell me in love siya kay Jannah? Nasisiraan na yata ng bait ang mundo!"
Masamang-masama ang loob ni Hermie pag-uwi niya ng bahay. Hinagis niya ang kanyang bag sa kanyang kama at pabagsak na umupo sa gilid ng kama niya.
Humaba ang nguso niya sa kakasimangot dahil sa sobrang inis niya sa araw na iyon.
"I hate you! I hate you! I hate you!" wika niya habang pinagsusuntok ang kutson. Hindi niya alam kung kanino siya talaga naiinis sa sarili niya ba dahil nagmukha siyang tanga kanina? Kay Sir Nick ba na sumali pa sa pagtatanong sa
kanya? Kay Jannah na nagtaray sa kanya? O kay Mark na mukhang may gusto yata sa impaktang si Elaine? "Grrrr...."
Bigla siyang tumayo at pinaandar ang kanyang computer. Agad siyang nagpunta sa FB upang magpost sa kanyang wall nang sa ganoon ay mailabas niya ang kanyang inis. Subalit naantala ang gagawin niyang pagtitipa nang mabasa ang post ni Sir Nick sa group nila.
"Are you numb or dumb? Kung hindi ka manhid, mararamdaman mo na may gusto siya sayo at kung hindi ka bobo, nakahalata ka na noon pa na may pagtingin siya sayo." basa nya sa post ni sir Nick sa group nila. Siya ba ang pinariringgan ni Sir Nick? kasi tugmang tugma iyon sa damdamin niya para kay Mark.
~~
A/N: 2 chapters updated! Please vote and comment! Lovelots :-*