So Close (SeokSoon)

597 22 4
                                    

Hihihi. Seokmin + Soonyoung :'>

This will be their story.

Super feels buiding up for this OTP. Aww.

So Close by Jon McLaughlin (Enchanted Soundtrack)

✤ ✤ ✤

[Seokmin]

"Hosh! Hosh!" Pagkalabit ko sa kanya na nasa unahan ng nilipatan kong upuan.

Nagugutom na ako kaya kailangan ko na siya...at ang baon niya. Hahaha.

"Kunin mo sa bag ko, lipat ako dun maya." O di ba? Wala pa man akong sinasabi alam na niya. Hoshi yan eh.

"Bilisan mo ah."

Kinuha ko na lang sa bag niya yung pack lunch saka na ako dali-daling dumiretso sa likuran kung nasan kanina pa kumakain sila Wonwoo. Takaw! Hahaha.

"Wag ka namang obvious." Salubong sakin ni Mingyu.

"Obvious ba?" Taka kong tanong.

"E gago, kulang na lang gumapang ka sa posisyon mo." Sagot ni Jihoon na may nginunguya pa.

Gumapang? Para nga hindi ako makita eh! Nag-iingat na nga ako para di sila mapahamak, tapos ganun?!

"Mr. Lee Seokmin, is there a problem?" Parang nagpanting yung tenga ko sa mga salitang yun. Takte, obvious ba talaga?

Agad akong napaayos ng pwesto, pero hindi ako pwedeng basta basta tumayo. Makikita yung baunang bitbit ko. Nanatili lang akong nakatalikod kay Sir. Lintik! Paano ba 'to?

"Teka, asan na ba yun?" Saka ako luminga-linga sa sahig. Wow! Napakautak ko talaga. HAHA! Narinig ko pa ang pigil na pagtawa nila Mingyu.

"What are you looking for?" Pagtatanong niya pa.

Langya! Kailangan ba may pakialam siya sa hinahanap ko? Paano kung sabihin kong pagmamahal? Mabibigay niya ba yun? Ha? Hay nako talaga Seeer!

"Ah-Sir, yung ano...san na ba kasi yun?" Pero tae! Napakamot na lang ako ng marahas sa ulo ko, wala akong maisip!

"What Mister Lee?" Medyo nararamdaman ko na yung inis sa boses niya.

Wooo! Shet! Sabihin ko na bang pagmamahal talaga ang hanap ko? Tutal yun naman ang unang naisip ko.

"Oy Seokmin, eto yata yung lapis mo. Gumulong dun sa unahan." Napalingon yung ulo ko sa kanya at kulang na lang mawarak yung puso ko sa tuwa. Savior talaga!

"Eto yung iyo di ba? Si Finn?" Dagdag niya habang maiging sinusuri yung hawak niyang lapis. Ang galing ng acting! Teka, dapat ako din!

Agad kong patagong inabot kay Jihoon yung bitbit kong baunan bago ako tumayo at mabilisang humarap kay Hoshi.

"Omo! Yan nga yun. Buti nakita mo yang Pink pencil ko! Omo omo!" Napahawak pa ako sa magkabilang pisngi ko na parang gulat. Kailangan convincing!

Teka, ni hindi nga pink yung pencil na yun ah.

Lumapit na lang ako kay Hoshi para makuha yung hawak niyang lapis na hindi ko alam kung kanino.

SEVENTEEN: Boys Be BrOTPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon