MOLLY'S POV:
Tinuloy tuloy ko lang ang pagsasalita ko. At thank god dahil naintindihan naman ni Manang Joy yung mga pinagsasabi ko..
"Hindi ako makapaniwala na si Lin at si Kristine ay iisa lang"-Manang Joy."ANONG SINABI MO JOY?"-Sabi ni Manang Bebeth. Gulat ang reaction naming pareho ni Manang Joy. Hindi namin pareho nasagot ni Manang Joy yung tanong ni Manang Bebeth. Kaya inulit niya iyon sa amin.
"TINATANONG KITA JOY"-Manang Bebeth.
Andito na rin lang si Manang Bebeth ay kinuwento ko na rin sa kanya yung mga nalalaman ko tungkol kay Kristine. Sabagay mapagkakatiwalaan naman itong si Manang Bebeth. After kong maikwento sa kanya ay nagkasundo muna kami na wag ipagsasabi iyon kahit kanino.
WU CHUN'S POV:
"Bro, tama na yan. Lasing ka na"-Pag awat sa akin ng kaibigan kong si Jiro. Kinuha pa niya yung baso ko na may laman pang alak.
"Bro gusto ko pang uminom ibalik mo sa akin yan."-Nanghihina kong sabi kay Jiro.
"Bro, halika na uwi na tayo lasing ka na"-Calvin.Inakay ako nina Calvin at Jiro palabas ng Bar na iyon samantalang si Aaron naman ang nagdrive ng aking sasakyan. Sinamahan nila ako pauwi sa Mansion.
"Calvin, anong nangyari sa kanya?"-Kristine.
Ang boses na iyon, na naririnig ko. Sobrang miss na miss ko na. Yung boses na gusto ko lagi kong naririnig sa araw-araw hanggang gabi. Kaya lang nakakainis yung may ari ng boses na iyon. Manloloko siya!. Pero bakit ganun? Mahal na mahal ko pa rin siya.
"Napainom siya ng marami kaya inuwi na namin siya rito."-Calvin.
"Ganun ba? O sige ako na lang ang bahala sa kanya."-Kristine.
"Sigurado ka Kristine?"-Aaron.
"Oo sigurado ako. Ingat kayo sa pag uwi"-Kristine.Naramdaman ko na muling may umakbay sa akin. Sigurado ako na hindi yun si Calvin. Gustong gusto ko talaga yung amoy niya. Kahit alam ko na simpleng pabango lang iyon pero gustong gusto ko talaga yung amoy. Ano ba yan para naman akong naglilihi nito eh.
Nagising ako dahil sa ring ng aking cellphone. Pero bago ko makuha yung cellphone ko na nasa mesa lang ay napansin ko si Kristine na nasa left side ko, nakaupo siya at nang silipin ko ay nakatulog pala siya.
"I'm sorry babe"-Yun nalang ang nasabi ko sa kanya bago ako lumabas ng kwarto.KRISTINE'S POV:
"I'm sorry babe"-Alam ko galing yung salitang iyon kay Wu Chun my loves.
May luhang dumaloy sa mga mata ko.Napadaan ako sa kusina, narinig kong naka on ang TV na naroon. Nakita kong nanonood sina Manang Joy, Manang Bebeth at Molly. Eksakto naman na pagpasok ko roon ay nagpalabas na ShowbizNews. Nagflash din sa TV yung picture namin ni Wu Chun my loves pati ni Ella.
"Showbiz News po muna tayo. Muling sinabi ng Asian Superstar na si Wu Chun na hindi pa sila nagkabalikan ng ex girlfriend niyang si Ella. Dahil may non showbiz girlfriend siya at yun ay walang iba kundi si Kristine Macaraeg na kilala bilang Personal Assistant niya. Kamakailan lang ay kumalat ang balitang hiwalay na raw sila ng kanyang girlfriend na si Kristine. Bagay rin na itinanggi naman ni Wu Chun."
"Wu Chun totoo ba na hiwalay na kayo ng girlfriend mong si Kristine?"-Tanong ng isang babaeng reporter kay Wu Chun my loves.
Parang nag slow motion ang pag ikot ng mundo sa akin.
"Kami pa rin ni Kristine. Our relationship is on the rock now. Pero maaayos din namin kung ano man yung gusot namin."-Ngumiti si Wu Chun my loves sa camera at saka pumasok ng kanyang sasakyan. Tingin ko kahapon lang yung interview niyang iyon.Matapos mapanood yung balita ay pinatay na ni Manang Joy yung TV.
"Kristine, kanina ka pa ba jan?"-Tanong ni Molly pagkakita niya sa akin.
Tumango lang ako sa kanya. Dumeretso ako sa may napakalaking ref at kumuha ng maiinom."Grabe talaga yung mga reporters ano? Makapag report sila wagas"-Molly.
"Molly wala naman katibayan yung mga reporters na iyon na hiwalay na si Sir GKC at Kristine. Kaya wala silang care sa relasyon nilang dalawa"-Manang Bebeth.Aba, si Manang Bebeth lumelevel up na rin. Care lang ang narinig kong english word sa kanya atleast nakapag english siya diba? Hehehe.
CONDO UNIT:
Pumunta ako rito sa condo unit nila Bestie Liesly at Lola Gina. Matagal ko ng pinag isipan na sabihin sa kanila ang totoo.
Na ako si Lin Li Ying at yung about sa pagbubuntis ko.
"Apo, ano nga ba yung napaka importanteng sasabihin mo sa amin?"-Lola Gina.
"Lola, hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa. Alam ko na po ang buong katotohanan"-Ako.
"Ano bang katotohanan yang pinagsasabi mo Bestie?"-Nagtatakang tanong sa akin ni Bestie Liesly.
"Lola Gina, Bestie Liesly. Ako. Ito si Lin Li Ying"-Ako.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng dalawa.
"Nakakaalala na ako."-Ako.Kinuwento ko sa kanilang dalawa kung paano ako nagsimulang maka alala at pareho silang hindi makapaniwala.
"At may isa pa akong kailangang sabihin sa inyo."-Ako.
"Ano ba yung sasabihin mo?"-Lola Gina.
"Buntis po ako. Mahigit isang buwan na po akong buntis. At si Wu Chun my loves po ang ama nitong batang dinadala ko."-Ako.Walang reaction yung dalawa ng sabihin ko ang lahat ng kailangan kong sabihin sa kanila. "Sana hindi kayo galit sa akin. Dahil naglihim ako sa inyo"-Mangiyak ngiyak kong sabi sa kanila.
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
De TodoIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...