CHAPTER TWO
"NASAAN NANAMAN si Aya?" tanong ni Shirley sa kanila ni Katie
Kasalukuyan silang nakakalat sa corridor dahil lunch break naman. May kalahating oras pa sila para makapagkwentuhan.
"Baka hinahamon nanaman ng away si Rei" usal ni Katie na hawak nanaman ang mahiwagang salamin nito
Natawa na lamang siya sa dalawa. As usual pagnawawala si Aya, siguradong na kay Rei iyon. Minsan nga naiisip niya, hindi magkasundo ang dalawang iyon pero hindi rin matiis ang isa't isa na hindi magkikita. Kahit pa ang dahilan lang naman ay upang magbangayan sila. Hindi rin niya maisip kung paano nga kung dumating ang time na magkatuluyan ang dalawa iyon, para kasing imposible o talagang sobrang imposible. Hay nakakabaliw!
"Hi Katie! Hinay-hinay ka lang sa salamin baka dumikit sa mukha mo iyan" wika naman ng isang lalaki na dumaan sa kanilang tatlo
Sa pagkakaalam niya ay nasa diamond class iyon at player ng basketball. Hindi lang niya matandaan ang pangalan.
"Che! Ewan ko sa'yo!" gigil na sagot naman ng kaibigan niyang si Katie
Nakita pa niya ang pagtawa ng lalaki bago tuluyang nakalayo sa kanila. Hindi naman niya maiwasang mapabaling sa kaibigan.
"Kilala mo iyon?" tanong niya kay Katie
"Masaya nga sana kung hindi ko siya kilala kaya lang kaibigan niya iyong nililigawan kong Fafa. Plastik iyan. Sa harap ng mga kaibigan niya at sa irog ko kung makapuri sa'kin akala mo kung sino ako pero kapag nakatalikod naman ang barkada niya, kulang nalang ihulog ako sa bangin sa sobrang pagti-trip sa'kin" gigil na gigil na wika pa rin ang kaibigan niya
"Baka type ka" saad naman ni Shirley na ikinasimangot ni Katie
"Naku! Huwag naman sana, baka mabaliw ako kapag ganyan naging manliligaw ko"
Hindi na niya mapigilang mapangisi sa pinag-uusapan nila. Sa kanilang tatlo siya lamang naman talaga ang may seryosong sinisinta. Si Aya at Shirley mukhang malayo pang magkanobyo. Ni crush nga ay wala ang mga ito. Si Katie naman, marami, sa sobrang dami ay hindi mapakali sa isa ang kaibigan niyang ito.
Maya-maya pa ay natanaw na rin niya si Aya na papalapit sa kanila. Sanay na sila sa mukha nitong parang sinabugan ng isang daang bomba kapag nakakaharap si Rei.
"O ano? Tapos na ba ang karate session niyo?" tanong ni Shirley pagkalapit na pagkalapit nito
"Hay naku Aya! Wag ka na kasing maghanap ng gulo. Sayang ang ganda mo kung para ka namang amazona sa pakikipag-away kay Rei" wika naman ni Katie na sinusuklay ang nagulong buhok ni Aya
"Abby" tawag sa kanya ni Aya na medyong hinihingal pa ang boses
"Hmm?"
"Pa-papunta dito iyong i-i-irog mo" hinihingal pa rin na wika nito
Bago pa man siya nakapagreact sa sinabi nito ay natanaw na nga niya si Warren na nakaakyat na sa floor nila. Agad naman siyang nagtago sa tatlo niyang kaibigan. Hindi niya gugustuhin na makita ni Warren ang itsura niya. Sabog pa rin ang mukha niya mula sa puyat at pangingitim ng ilong.
"Hi girls! Kayo ang kaibigan ni Airess di ba?" narinig niyang tanong ni Warren sa tatlo niyang kaibigan
Nakayuko siya sa likod ng mga ito kaya hindi siya napapansin. Sana naman hindi na pahabain pa ng mga ito ang usapan.
"By Airess, you mean Abby?" narinig din niyang tanong naman ni Katie na may bahid ng kilig
Wala talagang pakisama ang mga ito. Sasabunutan talaga niya ang isang ito kapag nakaalis si Warren.
BINABASA MO ANG
My Ex-Factor
RomanceA MUST READ story after I DO OR I DIE. Love at first sight? May kasunod pa 'yan na second, third, fourth hanggang sa hindi na niya mabilang ngayong third year high school na siya. Simula ng tumapak si Abby Alhambra ng high school ay hindi na nga niy...