ETHAN’s POV
Hello guys! Sa wakas after ilang chapters nagkaroon din ako ng POV. Sino gusto makarinig ng napakagwapo kong saloobin. (A/N: Ang hangin may bagyo ata!) Sige na miss author tatahimik nab aka bawian mo ako ng POV e sayang naman yun. XD
So nakita kong nakipagsayaw si Quinn kay Denver malamang tuwang tuwa ang babaeng yun. Kanina kasi halos di na maipinta ang mukha dahil ako ang first dance niya. Sa totoo lang? Nasasaktan ako pero wala eh MAHAL ko....
OO MAHAL ko si Quinn Yesha Cruz simula bata pa lang kami naramdaman ko na to akala ko mawawala din pero hindi eh lumala pa nga ata. Naaalala ko pa noon sinasabi ko sa parents ko na gusto ko siyang pakasalan…..
Akalain niyong magkakatotoo.. Ganito yun eh….
FLASHBACK <<<<<<<<< (2 years ago)
“Anung sabi mo?” si mommy yun bat parang galit siya?
Kakarating ko lang galing school dahil pasaway ako tinakasan ko ang service ko. HAHAHAHA
“Calm down Dhianne, ako naman ang nag open ng ganoong ideya kay Pareng Vincent. Yun lang ang naisip kong paraan noon para maisalba ang papalubog ng negosyo namin” si tito Marcus? Anong meron?
“Whaaaat?! MARCUS! How could you?!” si Tita Roxanne yun ah? Bat andito sila sa bahay? Bat parang galit silang lahat? Anung problema?
“Beb, ayun lang ang naisip kong paraan para mabuhay kayo ni Yesha noon. Ayaw kong maliitin ako ng Papa mo kaya I did a desperate move.”
“At ikaw naman Vicente?! Pinatulan mo ang kalokohang naisip niyang si Marcus?! Dapat pinautang mo nalang hindi yung may ganyang usapan pa kayo!”
“Dhianne please will you calm down?! Yun din naman ang sabi ko sa kanya nung una palang eh. Pero kilala mo naman yang si Marcus matigas ang ulo nagpumilit may kontrata pa nga kaming pinirmahan siya din nagpalegalize ng lahat ng iyon.”
“Gosh Marcus! Paano na si Yesha! Pano mo sasabihin sa kanya ‘tong lahat? Oo matalik na magkaibigan sila ni Ethan pero may karapatan pa ring pumili ng gusto niyang mahalin ang anak naten. Saka napakabata pa niya para magpakasal!”
Anu daw? KASAL?! Di ko alam ang nangyayari pero pumasok na ako ng bahay kailangan ko ng ekplenasyon.
“MOM! DAD! Anung KASAL?!”
“BABY!” si mommy yun habang umiiyak. Sila daddy at Tito Marcus naman straight face lang. Si Tita Roxanne andun sa gilid umiiyak din.
“Ethan, you and our Yesha is getting married kapag nasa legal age na kayo. Napagkasunduan na namin yun ng daddy mo matagal na kaya you should take care of our Princess. Di naman mabigat sa loob ko na sayo ipaubaya si Yesha.” Sabi ni Tito Marcus grabe ang hirap idigest ng mga sinasabi nila. I’m only 14 y/o for Christ Sake
“Mom, Dad, Tito, Tita…. Mawalang galang na po pero hindi po ba parang pangit tong ginawa niyong kasunduaan. Pinaglalaruan niyo yung future namin ni Quinn, di po ba unfair na nakikialam kayo sa buhay namin.”
“Stop it Ethan will you? Hindi ba sabi mo noong bata ka pa na gusto mong pakasalan si Yesha? Hindi ba?”
Natahimik ako hindi ko alam ang isasagot ko.
“Vincent! Stop it? Bata pa si Ethan nung mga panahong iyon, sineryoso mo naman ang sinabi ng bata.”
“Ethan! I’m asking you answer me! Di ba gusto mo siyang pakasalan?!”
Wala na talaga dead end. Oo gusto ko nga siyang pakasalan pero kung iba naman talaga ang mahal ni Yesha handa akong magparaya… Sasagot na ako ng bigla…..
“Umm—a! A—ppa! Ato po papatasal tay Unnie Yeye!” si Ryuu my little bro buti nalang sumulpot siya at dalidali akong lumabas ng bahay. Waaaaaah ang intense muntik na akong mapaamin!
END OF FLASHBACK <<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
Ngayon nasa part na ng pagdidistribute ng awards, yung best in night gown, best in tuxedo, faces of the night, couple of the night, Prince and Princess of the Night saka yung King and Queen of the night. Pauso tong school namin eh. Wala pa din si Quinn di ko alam kung na saan mag-isa lang si Denver eh.
“And now we’re down to our last award for the night. Para po sa kaalaman ng lahat ang King and Queen of the night natin ay ang Couple of the night din natin. Exciting isn’t it?”
Blah. Blah. Blah…. Maitext na nga lang si Quinn.
To: MY Quinn
San ka na Bes? Masyadong na-overwhelmed sa pagsayaw kay Den? Balik na dito. Uwi na tayo.
SENT!
*vibrate*
Fr: MY Quinn
K.
Wow asteeg magreply. Ayun siya kakalabas lang ng CR, Parang galing sa pagiyak. Sino may gawa sa kanya non? G*go si Denver pinaiyak niya ang Quinn ko alam niya naman na hindi dapat saktan si Quinn! Nilapitan ko siya..
“Let’s Go Home?” Sabi ko paglapit ko sa kanya
“Yes please!” sabi niya with fake smile.
Palabas na kami ng venue ng biglang….
“MR. Jang and MS. Cruz? Where are you two going? Kanina pa kayo tinatawag sa stage!” Nagkatinginan kami ni Quinn. *Ano daw look*
“Looks like our Prom King and Queen as well as Couple of the night are heading somewhere.” Emcee1
“Dito muna kayo sa stage for your awards and picture taking saglit” Emcee2
No choice kami. Pumunta kami sa stage… napahigpit ang hawak sa akin ni Quinn alam ko pag ganito malungkot ‘tong babaeng ‘to. Kaya naman..
“Don’t worry babe! Everything’s gonna be alright. Smile ka jan pakita mong maganda ka!” binulong ko yun sabay kindat!
So ayun na. Tapos na ang Prom chapters! :DDDDDDDDDDDDDD
Sana nagustuhan niyo. Naiinspire akong magsulat these days ehh.
Kaya comment na kayo ang be a fan para mas lalo akong mainspire Puuuhleaaaaaaaase?! ;)
Love lots! :*
Itsforeverthirteen
#HERO<33333333